Chapter 25

65 24 0
                                    

"Are you sure na kaya mo na Kenzo?" Tanong ni Trevor kay Kenzo, Naguusap sila roon sa living room
habang ako ay paakyat pa sa kwarto ko para ayusin ang gamit ko.

"Kaya ko na nga." He laughed.

"Xyrene, bilisan mo. Paalis na tayo." Utos ni Trevor, Tumango naman ako at dumiretso na sa kwarto.

Nakaligo na ako kanina kaya aayusin ko na lamang ang gamit ko, Inilabas ko ang gucci bag ko at Inilagay roon ay mga damit kong dadalhin.

I wore a black highwaist short and a white offshoulder croptop. Inilagay ko rin sa buhok ko ang salamin ko.

I took my things and left my room, Sa beach resort raw ang punta namin. Doon daw may cecelebrate ng birthday ang Lola ni Raine. Medyo malayo rin ako mula dito kaya maaga palang ay aalis na kami.

"I'm ready!" I shouted. Agad namang lumingon sila sa akin, Si Trevor at Kenzo lang ang kasabay ko. Susunod pa raw mamaya si Lola.

Bumaba ako ng hagdan at naroroon parin ang titig ni Kenzo sa akin. "Ang ganda mo." He smiled.

"Yuck." Pandidiri ni Trevor at nangungunang lumabas. Natawa naman kami ni Kenzo, Kinuha niya ang bag ko siya na ang nagdala.

"Okay ka na ba?" I asked.

"Nagaalala ka?" He laughed pero agad siyang sumeryoso nang makitang masama ang tingin ko sa kaniya. "A-Ah medyo masakit kagabi.." He looked at my lips. "Pero nawala noong hinalikan mo ako.."

My jaw dropped. "G-Gising ka na noon?" Nauutal kong tanong.

Mayabang naman siyang tumango. "Gising na ko noon, nahihirapan lang akong imulat ang mata."

"Damn it." I whispered.

"Kung sa labi mo ako hinalikan, iisipin ko na nirape mo ako." Humalakhak siya.

Agad ko namang pinaghahampas ang braso niya. "I hate you! I hate you!" Sigaw ko pero tinatawanan niya lang ako. "Akin na yan, Wag kang lalapit sa akin." I glared at him, kinuha ko rin ang bag ko sa kaniya.

Nangunguna ako sa paglalakad. "Xy.." Humarap ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay.

"What?" Ilang segundo akong naghihintay pero hindi parin siya nagsasalita. "Hindi ka ba magsasalita?" Mataray kong tanong.

"Xy.." Aalis na sana ako pero muli niya akong tinawag.

Inis ulit akong humarap sa kaniya. "Wha-"

"I love you too, My Xyrene." He cut me off and smiled.

My lips parted, Hindi ko alam kung kikiligin ako o mahihiya. Tama nga siya, gising siya noon.


Nakapamulsa siyang naglakad palabas at Iniwan akong tulala roon. Napahawak ako sa dibdib ko at pinakiramdaman ang bilis ng pagtibok ng puso ko.

Ganoon na lamang kalakas ang epekto niya sa akin, Inis naman akong naglakad palabas. Talagang hindi niya ako hinintay. Fuck him.

"May iba ka pa bang gamit?" Tanong sa akin ni Trevor nang makalabas ako. He's checking the car, Sinilip ko naman si Kenzo na naroroon na sa loob ng sasakyan. Nagpipicture ang loko.

Kahit saang angulo, Napakagwapo niya.

"Xyrene kinakausap kita." Seryosong sabi ni Trevor.

"A-Ah sorry." I looked at him, Nagtataka rin naman siyang lumingon kay Kenzo na nagpipicture parin. "Wala na, ito lang dala ko."
Umiwas ako ng tingin sa kaniya.

The Undestined LoveWhere stories live. Discover now