Chapter 23

62 23 2
                                    

Natauhan lamang ako nang tawagin ako ni Raine na ngayon ay nasa likod ko na pala, Hindi ko na siya namalayan dahil abala ako sa paghahanap sa weirdong lalaki kanina.

"Ano bang ginagawa natin dito? Akala ko may meeting ka?" I asked, Nahilot ko ang sentido ko dahil sa pagkagulo ng nangyayari.

"Hinihintay ka na niya sa taas." She smiled, Bahagya niya akong tinulak pataas. Muli kong nilingon ang daan na nilandas ng lalaki kanina pero gaya kanina ay wala siya roon.

"Hindi ka sasama?" I asked.

"Bakit sa akin ba aamin?" She answered.

Aamin? Naguguluhan naman akong tumingin sa kaniya pero tumatawa lamang siya. Magsasalita na sana ako nang may tumigil na trycle sa harap namin. Nagmano si Raine sa lalaking iyon, Tatay niya siguro.

"Tatay ko nga pala, Xyrene." Sabi niya at umakbay sa tatay niya, Napangiti naman ako sa kanila. Siguro kung buhay pa si daddy ay ganoon rin kami.

"Ang laki mo na pala iha, Natatandaan mo ba ako?" Nakangiting tanong niya sa akin, Umiling naman ako. "Ako ang naggagawa noon lagi sa tuwing nasisira ang kwarto mo."

Inalala ko naman ang sinabi niya. Tama siya, may lalaki ngang nagaayos noon sa tuwing may nambabato sa bintanan ko pero hindi ko matandaan ang itsura niya.

"A-Ah Opo." I lied.

"Nahuli niyo na ba kung sino ang nambabato sa bintana mo?" He asked.

"Hahahahahaha." Napatingin naman kaming dalawa kay Raine nang tumawa ito ng malakas. "A-Ah tara na Papa, Hinihintay na tayo ni lola."

Kilala kaya ni Raine yon?

"Oh sya, Uuna na kami iha." Tumango namam ako, pinanood ko silang sumakay sa sasakyan at umalis.

"Puntahan mo na siya!" Sigaw ni Raine nang hindi pa sila nakakalayo, Kumaway akong muli sa kanila.

I took a deep breath, Nagsimula na akong humakbang pataas. Bakit kinakabahan ako Kenzo?

Natisod ako ng may bato akong naapakan, Sisipain ko sana ito palayo pero nagulat ako nang makita ang itsura ng batong iyon.

Gaya ng natatanggap ko ay ganoon rin ang itsura ng batong yon. May nakabalot ng puting papel, pero nanatiling malinis iyon.

Dahan dahan kong binuksan iyon, itinuwid ko ang gusot na papel. My jaw dropped when i saw the letter.

"Lahat ng nangyayari may dahilan, makakaya mo yan"

Ito ang unang sulat na nakuha ko mula sa taong nagbabato sa kwarto ko pero hindi gaya ng sulat na iyon dahil hindi na ito sulat bata.

P-Paano niya nalaman 'to?

Iniangat ko ang tingin ko sa dadaanan ko, Naroroon nga ang sunod sunod n batong may nakabalot na papel. Humakbang ako at kinuha ang sumunod na sulat, maingat ko muli itong binuksan.

"Araw araw akong umiiyak dahil araw araw ko ring naririnig ang pagiyak mo."

Muli akong humakbang at kinuha ang sumunod. Pinunasan ko ang luhang nagbabadyang tumulo.

"Nagpapakwento ako kay Lola leah tungkol sayo, Sana dumating ang araw na ikaw na mismo ang magkwento sa akin tungkol sayo."

"Noon pangarap kong magkaroon ng maraming laruan pero ngayon pangarap ko ng maging masaya ka at lumabas diyan..."

"Happy 8th Birthday Xy..."

"Lumipas na ang isang taon, bakit hindi ka pa lumalabas? Maraming naghihintay sayo at isa na ako roon."

The Undestined LoveWhere stories live. Discover now