Chapter 16

75 25 1
                                    

"Papasok pa ba ako?" Inaantok na sabi ko habang nakahiga pa, umaga na.

Napuyat ako kagabi dahil sa sinabi ni Kenzo, "See you in my dreams huh?" pag ulit ko sa sinabi niya. Ibig sabihin napapanaginipan niya ako?

Sobrang gulo niya, "Bakit hindi na lang niya sabihin kung gusto niya din  ako? I mean kung gusto niya ako?" I sighed, baliw na yata ako pati sarili ko kinakausap ko.

Tinatamad akong tumayo at pumasok sa banyo, It's take a 1 hour bago ako makapag-ayos. Maaga ako ginising ni Andeng dahil sabay sabay daw kaming magbrebreak fast nina Tito, aalis din pala sila mamaya.

"Goodmorning people" Masaya kong sambit pagkababa ko ng hagdan pero wala silang reaksyon at seryoso parin, lalo na si Tito Frank.

"I'll go na apo, eat your breakfast okay?"  sabi ni lola pagkaupo ko sa tabi niya tumango naman ako, Umalis siya ng hindi tumitingin kina Tito.


Tahimik lang akong kumain kasama sila Tito, pinahanda na rin nila ang mga gamit nila dahil ngayong umaga na rin ang alis nila.

"Papasok na po ako" I said, tumayo ako at kinuha ang bag ko.

"Sumabay ka na sa amin, xy" Tito frank said without looking at me.

Tumango na lang ako at naghintay sa living room, I texted Trevor para alamin kung may nalaman na siya tungkol sa nangyayari sa company namin.

Nang makita kong palabas na sila ay agad akong sumundo, Nasa back seat ako habang nasa harap silang dalawa.

"Kamusta pagaaral xyrene?" Tito asked.

"Okay naman po" Tumango naman siya.

"Mag aral ka ng mabuti iha dahil pagkagraduate mo ikaw na ang mamamahala ng company nyo, wag muna mag boyfriend." Natatawang sabi ni tita pero naroon parin ang awtoridad.

Naiilang naman akong tumango, Hindi ko alam kung bakit naisip ko si kenzo noong bangitin niya ang salitang boyfriend.

Tahimik lang ang biyahe, tinanong na rin nila ako kung saan ko gusto magcollege sa manila para daw ay magabayan na rin nila ako para sa pagiging CEO ng company nina daddy.

"We're here na." tita said and gave me a kiss in my cheeks. "See you soon iha, studyhard" ngiti niya bagaman may lungkot sa mga mata niya.

Tango na lang ang naisagot ko at inayos ang sarili ko para bumaba ng sasakyan, nakatapak na sa labas ang isang paa ko ng biglang magsalit si tito.

"I'm sorry xyrene" he said and wipe his tears. "Sana mapatawad mo ako" he looked at me.

"Sorr for wh-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko kay tito nang matanaw si Raine na pinagtutulungan ng grupo ng mga babae, dali dali akong bumaba sa sasakyan at tumingin kay tito na nasasaakin parin ang paningin.

"I'm sorry tito, i need to go" I said and closed the door. Gustuhin ko man na alamin kung para saan ang sorry niya pero hindi ko kayang hayaan na lang ang kaibigan ko na sinasaktan ng iba.

Nakaupo na sa sahig ng hallway si Raine nang makapalit ako, tinulungan ko siya tumayo at humarap kila Cristell.

"Buti dumating ka, kanina ka pa naming tinanong sa bestfriend mo" maarte niyang sabi at sinuyod ako ng tingin. "Hindi ka magsasalita? Wala si kenzo dito oh ilabas mo na ugali mo" She laughed bitterly.

Jealous huh?

I glanced at her and smiled sweetly "Hurt my bestfriend again and you'll know who i am."

The Undestined LoveWhere stories live. Discover now