Chapter 15

79 27 0
                                    

"O-Okay na ako dito, Thank you sa paghatid." I said and smiled awkwardly.

He nodedd. "See you tommorow, Goodnight" Binigay niya sa akin ang bag ko at ngumiti ulit.

Nasa harap na kami ng Gate ng bahay ni lola, medyo ginabi na rin kami dahil roon na rin kami pinakain ng dinner ng papa niya. Buti na lang at may number sila ni lola kaya nakapagpaalam ako na gagabihin ako.

Hinihintay ko siyang umalis pero nakatayo parin siya sa harap ko. "Hindi ka pa aalis?" I asked.

"Aalis lang ako kapag nakapasok ka na" He said and smiled.

Buti na lang at medyo madilim na hindi niya makikita ang mukha ko na sure akong pulang pula na!

"Sige, Take care Zaffiro. Goodnight" Huling sabi ko at tumalikod sa kanya. Pinagbuksan naman ako ni Andeng ng gate.

"Goodevening mam" She greeted.

I smiled at her, Tumingin ulit ako kay kenzo at binigyan siya ng magandang ngiti bago pumasok sa loob.

Binuksan ko ang pinto at gulat na tumingin sa mga tao sa living room. "Tito Frank? Tita?" Napatingin naman sila sa akin, Niyakap ako ni tita at wala namang reaksyon si tito.

"Akala ko nasa Japan kayo?" I asked, at umupo sa tabi na lola. Mukhang naguusap sila about sa business dahil ang seseryoso sila, marami ring papers na nakalagay sa table.

"Kauuwi lang namin kanina"

I nodedd, Napatingin naman ako kay Tito Frank na mukhang stress na stress na, namayat din siya. "Kamusta po ang company nina mommy tito?"

Sana ayos na ang problema roon, gusto ko pang palaguin iyon gaya ng pangarap nina daddy.

"I-It's going to be fine, konti na lang" Naiilang niyang sabi at hindi tumitingin sa akin.

Bakit parang nagsisinungaling siya? Sana hindi. Ayokong masira lahat iyon.

Magtatanong pa sana ako nang biglang nagsalita si lola. "Go to your room Xyrene, Marami pa kaming paguusapan ng tito mo." She said while looking at Tito.

Sa tingin ko may mali talaga.

I took a deep breath at umakyat sa kwarto ko. Nang makita kong naglilinis si Andeng sa office ni Lola na kaharap ng kwarto ko.

"Andeng!" Napatingin naman siya sa ako "Come here" Tumango naman siya, itinabi niya ang Vacuum cleaner at lumapit sa akin.

"May kailangan ka po mam?" She asked nicely.

Umiling ako. "Alam mo ba pinaguusapan nila lola?"

"Nako mam hindi po pinaalis po kasi kami roon ni Sir Frank." Paliwanag niya.

"Ganoon ba?"Nanghihinayang kong sabi.

"Pero kanina narinig kong sinigawan ni Madam leah si Sir Frank, mukha pinapagalitan po." Dagdag niya pa.

"S-sige salamat" Tumango naman siya at bumalik sa paglilinis, Pumasok na lang ako sa kwarto ko at dumapa sa kama.

"May nagawa kayang mali si tito?" I sighed.

Hinubad ko ang suot kong damit at pinalaba kay Manang para maisauli ko na rin bukas. Naligo ko bago humiga ulit sa kama.

Sumilip naman ako kanina sa baba pero seryoso parin ang paguusap nila kaya wala akong choice kung hindi magstay sa kwarto.

Si Trevor kaya tanungin ko?

Kinuha ko ang phone ko at isinaksak sa powerbank ko, nilowbat nga pala ni kenzo kanina.

The Undestined LoveWhere stories live. Discover now