Chapter 20

82 27 1
                                    

Nakangiti kong pinanood na umalis si Xyrene at sumakay sa kotse nila. Napangiti ako ng maalala kung paano niya ako titigan kanina at kung paano niya tanggalin ang dahon kanina sa aking buhok, Simpleng bagay lang iyon pero para sa akin ay ang importante iyon.

"Naks, inlove na inlove ang bestfriend ko ah?" Pang-aasar ni Raine, Inakbayan ko naman siya at inaya ng umuwi.

"May iba siyang gusto Raine.." Sabi ko habang naglalakad kami sandali siyang tumigil at nakinig sa akin. "Ang sabi niya taga manila raw iyon.." Bumuntong hininga ako at muling tumingin sa kaniya. "Susuko na ba ako?"

Agad naman niya akong kinatos at sinamaan ng tingin. "Torpe mo kenzo, Subukan mo kasi umamin diba? Pakilig ka ng pakilig diyan tapos ayaw mo sabihin sa kaniya na gusto mo si Xyrene."

Magsasalita na sana ako ng may nagsalita mula sa likuran namin.

"I knew it, gusto mo rin siya?" Sabi ni Matt na ngayon ay nakasandal sa kotse niya habang nasa loob naman si Rafael.

Ngayon ko lang napansin na nasa tapat na pala kami ng bahay nila, dalawang palapag iyon. Sa harap pa lamang ay makikita mo ng mayaman ang nag mamay ari nito.

"Matthias, ayaw namin ng gulo." Matigas na sabi ni Raine at pilit hinihila ang kamay ko.

Humakbang naman palapit sa akin si Matthias at hinawakan ang kwelyo ko. "Layuan mo ang babaeng gusto ko, kenzo."

"Matthias ano ba!?" Sigaw sa kaniya ni Raine at pilit tinatanggal ang kamay niya sa kwelyo ko.

"Tumahimik ka kung ayaw mong palayasin kita sa lupa namin na tinatayuan ng bahay niyo." Sabi ni Matthias kaya natahimik si Raine.

Karamihan sa mga naninirahan rito ay pagmamay ari nila ang lupa samantalang ang amin naman ay binigay sa amin ni lola leah, ganon siya kabait.

Samantalang ang pamilyang Lim ay pinagbabayad nila iyon kada buwan at kung hindi mo iyon babayaran sa tamang oras ay walang awa nilang sisirain ang bahay niyo.

"Layuan mo si Xy-" Hindi pa niya natatapos ang sasabihin niya ay sinapak ko na siya dahilan ng pagkatumba niya sa kalsada.

"Hindi mo ako matatakot Matt, Gusto ko si Xyrene..." Ngumisi ako. "At wala kang magagawa sa katotohanang iyon. Hindi ko siya lalayuan." Sabi ko at tinalikuran siya.

"Mali ka ng kinalaban kenzo." Humarap naman ako sa kaniya dahil sa inis. Tumayo siya at pinunasan ang dugo dahil sa pagkasapak ko sa kaniya kanina. "Sinabi kong layuan mo siya pero hindi mo ginawa..."

"Bakit natatakot ka bang ako ang piliin niya at hindi ikaw?" I laughed.

"Kuya, tara na." Sabi ni Rafael na ngayon ay lumabas na pala ng sasakyan niya.

"Sisirain kita kenzo, Mark my words." He glanced at me.

"Sirain mo ako pero nasisigurado ko sayong ako  ang pipiliin niya." and looked at Rafael. "Ingat kayo. Tara na Raine."

Hinatid ko si Raine sa kanila at umuwi na rin, Sandali akong nagpahinga nang magtext sa akin si Trevor na pumunta raw ako sa kanila dahil naroroon siya.

Hindi na ako nagpalit ng damit dahil tinatamad ako, nagsuot na lang ako ng black cap at pumunta roon gamit ang motor ni Trevor.

"Trevor my man!" Sigaw ko sa kaniya na nang matanaw ko siyang lumabas ng mansion.

Tumingin siya sa akin at yumakap. "I missed you, ugok." He laughed.

"Bakit mo pala ako pinapunta dito? Magkikita naman tayo bukas diba?" I asked, Sumandal ako sa kotse niya at pinaikot sa kamay ko ang susi ng motor.

The Undestined LoveWhere stories live. Discover now