Chapter 30

66 23 0
                                    

"Wait me here. Kukunin ko lang ang kotse." Wika ni Trevor at iniwan ako roon. Nasa labas ako ng entrance nang hotel, Pauwi kami sa Mansion para kuhanin ang mga gamit namin.

Katatapos lang namin magswimming kaya medyo pagod pa ako, 9:00 pm palang ng umaga. Aalis agad kami para raw makaabot kami sa dinner mamaya.

Nang tumigil sa harap ko ang sasakyan ni Trevor ay agad akong sumakay roon, Dali dali naman kaming umalis para raw hindi maabutan ng traffic.

Wala namang masyadong traffic kaya nakabyahe kami ng maayos, Susunduin rin namin si Lola dahil simula bukas raw ang roon na kami tutuloy.

"Tatlo pala ang nanliligaw sayo?" He asked while taking a bite of a burger. Nagdrive tru kami kanina.

"Nakakainis nga, Hindi ko alam kung paano papatigilin yung dalawa." Inis kong sabi ang kumuha ng fries.

"So may isa ka ng gusto?" He asked and I nodedd. "I'm sure It was Kenzo."

"Hindi ko nga alam kung anong nagustuhan ko sa kaniya, basta isang araw nagising na lang ako na ayoko na pala siyang mawala." I smiled.

"Ayaw mawala?" Seryosong tanong niya. "Xy, Always remember your priorities. Your company is waiting for you." Pagpapaalala niya.

Tumango naman ako. "Hindi naman iyon nakakalimutan, I'm sure kenzo will wait for me."

"Yeah, He is a good man." Nakangiting tugon niya. "Kahit gago yung step father niya, hindi niya pinapatulan."

"Sinasaktan siya?" Nagaalala kong tanong.

"Minsan, pero madalas kasing hindi umuuwi doon si Kenzo. Naiintindihan naman yon ng nanay niya, siya ang nagpapaaral sa sarili niya pero tinutulungan parin niya ang nanay at mga kapatid niya." Mahaba niyang paliwanag.

Muli nanaman niya akong napahanga, Sa murang edad niya nakakatayo na siya sa sarili paa niya pero hindi parin niya kinakalimutan ang nanay niya.

"Alam mo ba kung anong nangyari kay Kenzo, Julian at Rafael?" I asked.

"Hindi niya masyadong kinukwento sa akin iyon pero ang alam ko, Umalis si Julian nang walang paalam. Eto namang si Rafael sinisi si Kenzo kung bakit umalis si Julian." He said.

"Bakit sinisi?" I asked.

"Kasi noong pumunta sila sa Mansion nina Julian, Biglang pinagtabuyan ng mommy ni Julian si Kenzo. Ang alam ko nasa trabaho rin ang papa ni Julian that time kaya wala siyang kaalam alam roon." Tumigil siya sa pagsasalita ng biglang may nagtext sa kaniya.

Pinakuha niya iyon sakin sa backseat dahil nagdridrive siya. I opened his phone and readed it.

Lola Leah: Trevor, Sa mall niyo na lang ako hintayin. Malakas kasi ang ulan rito baka abutin pa tayo ng traffic kapag hinintay ko kayo, Dala ko na rin ang mga gamit ko.

"Who is it?" He asked.

"Si lola, Sa may mall na lang raw natin siya hintayin malakas daw ang ulan doon." Tumango naman siya at ibinalik ang sasakyan.

"Buti na lang hindi pa tayo nakakalayo." Sabi niya at Itinigil ang sasakyan sa mall. Kinuha niya ang binili niyang pagkain at kinain iyon.

"May bibilhin lang ako." Sabi ko at kinuha ang wallet ko sa bag. "Just text me kapag nandito na si lola."

"Alright, take care." Ngumunguya pa niyang tugon.

Agad naman akong lumabas ng sasakyan at pumasok sa mall. Pumasok ako sa penshoppe at namili ng mga bagong damit, sapatos at dress.

Ilang oras rin akong nagiikot roon pero wala pang text si Trevor kaya naisipan kong pumunta sa men's wear. Tinitigan ko ang mga hoodie na nakahilera roon, Naisip ko agad si Kenzo dahil ganoon lagi ang suot niya kahit maiinit.

The Undestined LoveWhere stories live. Discover now