Chapter 24

52 24 0
                                    

Tahimik lang kaming naglalakad ni Kenzo pauwi para kumuha ng damit ko, Magoover night kami sa bahay ng lola ni Raine dahil birthday raw nito.

Napaisip naman ako kung ano ang ireregalo ko, Nilabas ko ang cellphone ko at tiningnan ang oras. 7:00 pm pa lang pala.

"Bukas pa ba ang palengke sa ganitong oras?" I asked and he looked at me.

Umiwas naman kaagad ako ng tingin sa kaniya, Napahawak ako sa labi ko at muling inalala kung gaano kalambot ang labi niya.

He was my first kiss.

"Bakit mo natanong?" Sabi niya habang sinisipa ang bato sa daan.

"I will buy a gift." wika ko.

"Mga nagtitinda na lamang ng prutas ang bukas sa ganitong oras, pwede mo naman madala iyon." He smiled.

I nodedd, Pinagpatuloy ko naman ang paglalakad ko. Sinadya kong bagalan ang bawat paghakbang ko para manguna siya sa paglalakad at ganoon nga ang nangyari.

I glanced at his back, Lalo siyang gwumapo mula noong unang beses kaming nagkita. Lalong tumangkad, pumuti at mas nakilala ko pa siya.

Dala dala niya ang bag ko kaya niisa ay wala akong dalaw, Kinuha niya rin ang dalawang libro kong dala. Tumangi pa ako kanina pero wala akong maggagawa pagdating sa kaniya.

Muli kong inalala ang paghalik niya sa akin, kung ibang tao siguro ang gumawa ng halik na iyon ay baka nakasampal ako.

Pero si Kenzo yon, ang taong gusto ko.
Gusto ko rin ang halik na binigay niya.

"Xyrene!" Napalingon ako sa lalaking tumawag sa akin. Lima silang lalaki na naroroon, mukhang kaedad ko lamang.

Ang lalaking may hawak ng gitara ang tumawag sa akin, Tumayo naman siya at nakangiting naglakad papalapit sa akin.

"Lance.." He offered his hand.

"Xyrene." I smiled.

Halos magkasingtangkad lang kami, hindi siya gaanong kaputi pero hindi maitatanging may itsura ang lalaking kaharap ko.

Umalis siya sa harap ko, pinahawak niya sa kasama niyang lalaki ang gitarang hawak niya at bumalik sa akin.

I looked at kenzo for a few seconds, Seryoso siyang nakatingin kay Lance.
He crossed his arms and glanced at me.

"Katabi lang ng room niyo ang room namin, Lagi kitang nakikita sa may corridor." He smiled.

I looked at him. "Talaga?" He nodedd, Lumapit sa amin ang isa niyang kaibigan.

"Picturan ko kayo ah? Bagay na bagay kayo pre." Pang-aasar sa amin, Ngumiti na lamang ako.

"Si jaypee, Kaibigan ko." Wika ni Lance.

"Akbay ka pre!" Dagdag pa nito at itinapat na samin ang camera.

Aakbay na sana si Lance nang biglang hawakan ni Kenzo ang kamay nito, Kinabig naman niya ang Cellphone na hawak hawak ni Jaypee.

"May problema ka ba Kenzo?" Inis na sabi ni Lance.

"Tara na.." He still looking at me.

Napatingin naman ako sa mga kasama nina Lance na nagsimula ng magsitayuan at humakbang papalapit sa amin.

"Gago pala 'to eh." Bulong ng isa.

"Ano mo ba yan xyrene?" Lance asked.

"Manliligaw niya ako." Matigas na sabi ni Kenzo at hinawakan ang kamay ko.

The Undestined LoveWhere stories live. Discover now