Chapter 41

39 18 0
                                    

"Malayo pa ba tayo?" Tanong ko kay Kenzo, Lumingon naman siya sa akin at tumango.

"Konti na lang." Inalalayan niya ang kamay ko dahil masyadong maputik ang dinadaanan namin.

Gaya ng sabi niya kanina ay pupunta kami sa bahay ni para ipakilala ako sa mga kapatid at Nanay niya, Pagkatapos ng klase ay dito agad kami dumiretso sakto namang umulan kaya naging maputik ang dadaanan namin.

"Nakauwi na ba ang kapatid mo?" I asked, Tumango naman siya.

"Kahapon lang." Tipid niyang sagot, Pansin ko ay iniiwasan niyang pagusapan ang kalagayan ng kapatid niya. Marahil nasasaktan ito.

Ilang saglit lamang ay nakarating na kami sa kanila, Kubo lamang ang bahay na iyon pero napakadetalyado at maganda ang disenyo. Sa paligid naman ng bahay ay maraming halaman at gulay ang nakatanim, Naroroon rin ang motor ni Trevor at ang bike niya.

"Ayos no? Ako ang nagdesign ng bahay namin." Natatawa niyang sabi habang tinititigan iyon.

"Ikaw?"

He nodded. "Noong bata palang ako at wala pa ang mga kapatid ko, pinatira kami ni lola sainyo. Umalis lamang kami noong naging asawa ni nanay ang tatay ng mga kapatid ko."

"Bakit hindi kita nakikita noon?" Tanong ko, Noong buhay pa naman sina Daddy ay lagi kaming naroroon pero hindi ko siya nakikita.

"Wala ako roon lagi, Naroroon ako lagi kina Raine." Tugon niya at hinubad ang sapatos niya, Agad naman niyang binuksan ang pinto ng bahay nila. "Pasok ka."

Gaya ng ginawa niya ay hinubad ko rin ang sapatos ko, Gaya ng makikita mo aa labas ay maganda rin ang loob nito. Kahit wala masyadong mamahalin na gamit ay napakaaliwas tingnan, Pinaupo ako ni Kenzo sa kahoy na upuan roon.

"Tatawagin ko lang si Nanay, Nasa kapitbahay ata eh." Sabi niya at may pagkamot pa ng ulo, Saglit pa siyang pumasok ng kwarto niya para magpalit ng damit.

Mamaya maya lamang ay bumukaa ang pinto at pumasok ang isang lalaki, Sa tingin ko ay siya ang step father ni kenzo. Nasa likod naman niya ang bata na sa tingin ko ay ang pangalawang kapatid ni Kenzo.

Agad akong tumayo. "Goodevening po." Nakayuko kong bati.

"Sino ka?" Tanong nito at tuluyan ng pumasok, Inilagay nito ang bag niya sa upuan at seryosong tumingin sa akin.

"Siya si Ate Xyrene tay, Apo ni Lola leah." Magalang na tugon ng batang kasama nito.

"Ano ginagawa ko dito?" Kaswal nitong tanong sa akin. "Kasama ka ba ni Kenzo?"

"Tay." Pag-suway ng batang lalaki.

Suminghal naman ito at pumasok sa isang kwarto, Lumapit naman sa akin ang batang lalaki at ngumiti.

"Hello po, Ako si Klent." He gave me a handshake. "Girlfriend ka po ni kuya diba?"

I nodedd. "Nasaan ang bunso mong kapatid?"

"Nasa kwarto po, nagpapahinga." Sagot nito, Napangiti naman ako sa ugali niya. Parehong pareho sila ng kuya niya ng paguugali.

Pagdating naman sa itsura ay malayong malayo, Sa tingin ko ay nagmana si Klent sa tatay nito dahil moreno ito.

"Anong pangalan niya?" Tanong ko, Nagsimula naman niyang ilabas ang mga gamit niya marahil magaaral ito.

"Ken po." He said while reading a book, A algebra book.

"Ho-" Hindi ko na natapos ang pagsasalita ko ng pumasok si Kenzo kasama ang nanay niya, Tumayo naman agad si Klent at nagmano.

"Iha, Naririto ka pala. Hindi naman sinabi ni Kenzo na naririto pala ang girlfriend niya." Pang-aasar nito at piningot pa ang tenga ni Kenzo.

The Undestined LoveWhere stories live. Discover now