Chapter 39

42 20 0
                                    

"Nagising na ba siya?" Narinig kong tanong ni Xavier na tila kapapasok lang.

"Hindi pa." Sagot ni Kenzo na ngayon ay hawak hawak ang kamay ko.

Pilit ko namang iminumumulat ang mata ko pero hindi ko magawa, Masyadong masakit ang ulo ko dahil sa natamo nitong sugat sa paghampas sa akin.

"Ang sabi ng doctor ay baka gising na siya, Hindi niya lang maimulat ang mata niya dahil nagkaroon ng kaunting damage iyon sa lakas ng pagkakahampas sa ulo niya." Paliwanag ni Trevor.

Thanks to him.

Pilit ko namang inalala ang mukha ng humampas sa akin kagabi, Hindi ko nakita ang mukha niya pero nasisiguro kong babae ito dahil sa hugis ng katawana niya.

Damn it, Sino siya?

Ilang saglit pa ay muli akong nakatulog, pakiramdam ko ay pagod na pagod ang katawanan ko. Nang magising ako ay saka gumaan ang nararamdaman ko, Hindi na masyadong kumikirot ang ulo ko at naimulat ko na ang mga mata ko.

Nakita kong nakatulog na si Kenzo sa tabi ko habang hawak hawak ang kamay ko. "Thank you." Bahagya kong ginulo ang buhok niya kaya nagising ito.

"Xy..." Bumangon naman ito sa pagkakahiga at humarap sa akin, Inayos pa nito ang buhok ko at Inilagay iyon sa likod ng tainga ko. "Gising ka na." Inaantok nitong tugon.

Hinaplos ko naman ang pisngi niya. "Thank you sa pagaalaga, Nasaan sila?" Tanong ko nang mapansing kami lamang ang naroroon.

"Umalis saglit sina Trevor, Isang araw ka ng walang malay. Nakauwi nanaman sina Xavier sa Manila dahil ngayon ang simula ng pasukan nila." Paliwanag nito.

Nahilot ko ang sentido ko. Isang araw na pala akong walang malay ang akala ko ay Isang oras lamang.

"Nagugutom na ako." Sambit ko na lamang at hinimas ang tyan ko.

Tumayo naman siya. "Tatawagin ko lamang ang doctor." He kissed my cheeks before leaving.

Napatingin naman ako sa wall clock, Madaling araw na pala. Kung ganoon ay unang araw ng balik klase ay wala kami. Paniguradong malalagot kaming tatlo.

Maya maya lamang ay pumasok na si Kenzo kasama si Doc Lim, Ang sabi niya ay may ilang test pa raw silang gagawin bago ako kumain. Sinunod ko na lamang sila dahil saglit lamang naman raw iyon.

Tinanong nila ako kung kumikirot pa ba ang ulo ko o nahihilo, Hindi naman ang sinagot ko dahil pakiramdam ko ay okay na ito. Sumasakit lamang ito kapag bumabangon ako.

Ala-syete na ng umaga nang makabalik rito sina Trevor, Sa Mansyon raw sila galing at dumiretso na rin sa school para ipaalam na hindi muna ako makakapasok dahil sa kalagayan ko.

Wala naman akong masyadong ginawa noong araw na iyon kung hindi magpahinga at kumain, Ang sabi ni Doctor Lim ay maari na raw akong lumabas bukas kung magiging maayos na ang kalagayan ko pero hindi pa raw ako pwedeng makapasok.

———————————

"Xy, Wake up..." Wika ni Trevor at niyuyogyog ang balikat ko. "Uuwi na tayo."

Iminulat ko naman ang mata ko, Nakita kong naroroon si Trevor at si Andeng dala dala ang mga gamit ko.

"Pinauwi ko na sila Kenzo, Kailangan nilang pumasok." Sabi ni Trevor nang mapansing hinahanap ko sila.

Tumayo naman ako. "Nasaan ang damit ko?" I asked, Iniabot naman sa akin ni Andeng ang pampalit kong damit.  Agad naman akong dumiretso sa banyo para magpalit.

I wore my v-neck tie dye shirt paired with my jogger pants. Tumingin naman ako sa salamin roon. Nakabenda parin ang sugat sa ulo ko, Mabuti na lamang at hindi malala ang natamo nito.

The Undestined LoveWhere stories live. Discover now