Chapter 12

68 25 0
                                    

Tanghali na nang nakarating kami sa mansion nina Trevor. Nakatulog ako sa biyahe kaya hindi ko na napansin na nandito na kami.

"Mauna na kaming tatlo, surprise her." Huling sabi ni Trevor at bumaba ng sasakyan niya, sumunod naman kami ni Raine.

Nang makarating kami sa pool area, nakahanda na lahat ng pagkain. Tumakbo naman agad si Raine kay Xyrene at niyakap ito, Tumingin siya sa akin pero umiwas ako.

Naglakad ako kay lola leah at nagmano. "Sinundo nyo ba sila?" Tumango ako at ngumiti sa kanya.

Kumuha ako ng plato at agad kumain, nagutom ako sa biyahe. Tumabi ako kay Trevor na ngayon ay may binabasa.

"Hoy, ano yan?" Sabi ko habang nakatingin sa librong binabasa niya.

Napatingin naman ko kay Xyrene na ngayon ay kayakapan na si Katrize, nasa likod naman nila yung Boyfriend niya.

"Nagaaral ako ng japenesse, pupunta kami ni mom roon nextweek" Sabi niya nang hindi tumitigin sa akin.

Tumango ako. "Ano sa japanesse ang gwapo ako?" Natatawa kong tanong sa kaniya at binatukan naman ako.

"Feelingero, watashi wa hansamudesu" Pagsagot niya sa tanong ko.

Tumingin naman ulit ako kay Xryene na kausap na ngayon ang boyfriend niya, Nagulat ako nang makita tinuro ako at nakasimangot na tumingin sa sapatos niya.

Ngumisi ako sa kanya, "Ano naman ang 'I love you' Trevor?" Tanong ko habang sa kanila parin nakatingin?

"What the hell, are you fucking inlove?" Sinarado niya ang libro at nang-aasar na tumingin sa akin.

"Sagutin mo na lang."

"Aishiteimasu, Yes, I'm coming" Ngumiti muna siya sa akin bago pumunta ka lola leah na kanina pa siyang tinatawag para raw sa mga regalo niya.

Pumunta na lang ako sa long table para tapusin ang pagkain ko, maya maya lang ang sumunod na si Raine at ang dalawang kaibigan ni xyrene.

Masamang tumingin sa akin si Xavier bago umupo, tinawanan ko na lang siya.

"Kanta tayo?" Masayang tanong ni Raine sa aming lahat.

"Yeah sure!" Nakangiting sagot ng dalawa.

Tumayo si Raine para buksan ang video oke at nagpipindot ng numero roon.

Tumingin muli ako kay Xyrene na ngayon ay kausap si Trevor.

Namiss ko siya.

Simula noong umuwi kami galing Hospital ay iniwasan ko na siya, Hindi dahil sa pang-aasar niya at pagpapaselos sakin kung hindi dahil gustong gusto ko na siya.

Akala ko kapag iniwasan ko na siya mawawala na yon pero mali ako

dahil lalo ko siyang ginusto.

"Do you like her?" Nagtatakang tanong sa akin ni Xavier nang makita akong nakatitig kay Xyrene.

Nagseselos ba siya?

"Hindi" maikli kong sagot.

"I can see it in your eyes, you like her." pagpupumilit niya.

"Nakikita mo naman pala, bakit nagtatanong ka pa?" inis kong sabi sa kanya.

"Calm dude"

"Swerte mo girlfriend mo siya" mapait akong ngumiti sa kaniya.

Tumawa siya sa sinabi ko. Tangina anong nakakatawa?

The Undestined LoveWhere stories live. Discover now