Chapter 14

70 28 1
                                    

"Gusto mo na bang umuwi?" Kenzo asked. Nagpalit na rin sya ng suot niyang polo dahil sa spagetthi kanina, buti na lang may extra siya.

Nasa labas kami ng building dahil hinila hila niya ako kanina at iniwang umiiyak si Cristell roon.

Simula elementary ay gusto na pala ni Cristell si kenzo, lahat ng lumalapit kay kenzo na babae ay binubully niya. Ilang beses ng sinabihan ni Kenzo si Cristell na ayaw niya sa kanya pero hindi siya nagpatinag.

Baliw na siya.

"Xyrene? Kanina pa ako nagsasalita dito" He pouted.

Napatawa naman ako sa itsura niya, Agad naman akong nailang ng maalala ang sinabi niya kanina pero ayoko umasa kasi paano kung sinabi niya lang yun para tumigil si Cristell.

Okay lang, crush ko lang naman siya eh at hinding hindi yun aabot sa love.

"Hindi pa ako pwedeng umuwi, Magtataka si lola" I sighed, niyakap ko ang sarili ko dahil nilalamig parin ako.

"Eto na bag natin" Sabi ni Raine na kababa lang ng building para kunin ang gamit namin. "Ihahatid ba natin siya sa kanila?" She looked at kenzo.

Umiling siya "Dalawang class lang meron ngayon diba?wag na tayo umattend sa next class. Kina raine muna tayo, okay lang sayo?" Tumingin naman siya sa akin.

I nodedd, kukuhanin ko na sana ang bag ko kay Raine pero naunahan niya ako, Nasa likod niya ang bag niya samantalang nasa harap ang bag ko.

"Naks, feeling jowa ah?" Pang aasar ni Raine at nangungunang naglakad. "Tara na torpe at manhid!" Sigaw niya sa amin.

What? Torpe at Manhid? Pinagsasabi niya?

Agad naman kaming sumunod sa kanya, Naglakad kami papunta kina Raine hindi naman daw masyadong malayo. Tumigil kami sa kulay green na bahay, hindi mayasdong malaki pero hindi rin maliit sakto lang.

Pumasok si Raine at agad naman niya kaming pinasunod, may yellow sofa sa living room at mga picture nila ng family niya. Lumabas naman sa kwarto ang babeng hindi masyadong maedad, siguro mama niya.

"Oh nandito kana pala, wala ang papa mo namamasada." Tumingin naman sa amin ang mama niya. "May bisita ka pala" Ngumiti sya sa amin, nagmano naman si Kenzo sa kanya.

"Makikikain po tita" Pagbibiro niya at dumiretso sa kusina, sanay na sana siya dito. Tumingin naman siya sa akin.

"Si Xyrene po ma, apo ni Lola leah" Sabi ni Raine at umakbay sa akin.

"Hello po, tita?" Nahihiya akong sabi at tumango naman siya.

"Sya sige, kumain na kayo diyan. Masama kasi ang pakiramdam ko hindi ko kayo maasikaso. Nga pala, bakit ang aga niyo lumabas?" Nagtataka niyang tanong.

Napalunok naman kaming tatlo, "W-Wala po kasi yung teacher namin" pagsisinungaling ni Raine at mukhang naniniwala naman ang mama niya.

"Xyrene, roon ang kwarto ko. Nasa kama yung damit ko, magpalit ka muna." Turo niya sa kabilang kwarto na pinasukan ng mama niya.

I nodedd and enter the room, Simple lang ang kwarto niya. May single bed at Dalawang aparador.  Umupo ako sa kama niya at sinuot ang black doplhin short at white v-neck shirt.

Tumingin ako sa salamin bago lumabas. Tinanggal ko ang braid ng buhok ko, pinuyod ko ng lahatan at lumabas na rin.

"Kain na xyrene" pag aaya ni Raine na nasa dinning area na nila kasama si kenzo. "Kumakain ka naman ng tuyo no?tsaka eto" Turo niya sa pagkain nila.

The Undestined LoveWhere stories live. Discover now