Chapter 3

106 34 3
                                    

Maaga akong pinagising ni lola dahil ngayon daw ang unang araw ng klase ko na ikinagulat ko naman.

A-Ang bilis naman!?

Medyo madilim pa pero pinaligo na agad ako ni Lola dahil mahaba daw ang biyahe papunta roon. Mas maganda raw kung maaga akong makakarating roon.

"Magiingat apo ha?" Bilin nito sa akin at hinalikan ang pisngi ko.

"Don't forget to drink your meds, Lola." Pagbibilin ko rin kaya mas lumawak ang ngiti niya.

She nodded. "Ipapasundo na lang kita kay trevor mamayang hapon." bilin ni lola pagkasakay ko ng kotse.

Nagmano at tumango na lamang ako sa kanya. Napapikit ako sa biyahe dahil sobrang antok ako. Masyado kasi akong napuyat kagabi dahil nakausap ko ang kaibigan ko na nakatira sa Manila.

Si katrize. Nakababatang kong kaibigan. Kaibigan ko na siya mula three years old palang kami. Magkakaibigan kasi ang parents namin kaya bata palang ay sama sama na kami. Bumibisita sila dito sa akin ngunit dalawang taon na ang nakalipas noong last na dalaw nila. Masyado ata akong namiss ni Katrice dahil halos buong buhay niya ay idinaldal sa akin kagabi.

Hindi lamang kami ni Katrice ang magkaibigan dahil ang totoo ay tatlo kami. Si Xavier ang isa pa.

Si Xavier ang mas matanda sa amin ng isang taon kaya naman nagiging tagapagtanggol namin sya ni katrice mula bata.

Naalala ko nang minsan na magselos si Kuya kay Xavier dahil baka raw ipagpalit ko siya sa kaibigan ko.

Bahagya naman akong natawa.

"Miss, nandito na po tayo." Akmang pagbubuksan ako ng driver ko pero senyasan ko siya na ako na ang mag bubukas kaya nginitian na lamang niya ako.

Lumabas ako ng sasakyan at magisa pumasok sa loob. Marami ng estudyante ang naroroon na kanya kanya ng nakatambay kasama ang mga circle of friends nila.

Inabala ko na lamang ang sarili ko sa paghahanap ng room pero mahihimatay na ako dahil hilong Hilo na ako!

"Ugh. Asan ba kasi?" I whispered.

"Ang ganda naman nya."

"Siya siguro yung bagong lipat."

"May sisikat ng magandang chixx dito pre."

"Oo nga."

Naririnig ko pang bulubulungan ng mga estudyante sa paligid ko na alam kong ako ang tinutukoy nila dahil ramdam ko ang maraming tingin sa akin.



"Hi!" May babaeng lumapit sa akin at inabot ang kamay. "I'm Euraine Santos but you can call me raine, ikaw?" Sunod sunod niyang tanong sa akin kaya naman medyo nailang ako pero ngumiti na lang rin ako.

Mabuti na rin may kakilala ako. Room ko nga hindi ko mahanap e.

"Xyrene Silvestria." I handed my right hand.

Natigilan naman ito agad.


"S-Silvestria ka? Ikaw yong nagiisang babaeng apo ni lola leah?" Gulat na tanong niya.

Kilala niya ako!?

"Uhm... yeah, Why? Do you know me? Kilala mo rin ang Lola ko?" Interesado kong tanong kaya mas lumawak ang ngiti niya.

What the....

"Sino ba naman ang di makakakilala kay Lola Leah!?" Hinampas niya ako ng bahagya. "Ang isa mga mayayaman dito at siya din ang tumutulong sa mga mahihirap dito." Nakangiting kwento niya pa. "Noong nakaraang buwan nga ay naging katuwang na ni Lola Leah ang pinsan mong si Trevor na ultimate crush ko sa pagbibigay tulong dito sa Batanes." Animoy kinikilig na kwento niya. "At isa din sya sa mga nagdonate ng pera para mapatayo ang school na 'to." Mahaba niyang kwento.

The Undestined LoveWhere stories live. Discover now