Chapter 1

249 40 6
                                    

Nagising ako dahil sa malakas na pagbato sa sliding window ko. Nabasag iyon kaya inimis ko muna ang mga bubugbog na kumalat sa sahig. Itinawag ko naman agad iyon kay Lola para palitan agad.

Napatingin ako sa batong nasa sahig. May nakabalot roong papel na halos masira na dahil sa pagkakabalot nito sa bato. Nakangiti ko iyong binuksan.

"Sa iyong mahabang pagtatago, nasilayan ko rin ang yong aking kagandahan."

"What? the..." I whispered.

Bahagya akong natawa dahil sa nabasa ko. Tawang tawa naman ako na ibinalik iyon sa pagkakabalot.

Anong kakornihan naman iyon? Nasilayan? Nakita ako? Stupid.

I sat down and reached a box under my bed. I smiled when i saw my treasures. Iyon ang mga bato na may nakabalot rin na papel. Hindi na bilang iyon sa mga kamay ko dahil sa sobrang dami. Halos mapuno na rin ang malaking kahon na iyon.

Matagal ng may taong nagbabato nito mula sa labas. Palaging dumadaan iyon sa bintana ko kaya mababasag talaga kapag iniwan kong sarado.

Isang beses sa isang linggo ako nakakatangap ng ganito. Hindi ko rin maintindihan kung bakit tinatago ko ito at hindi inirereklamo kay Lola na may nambabato sa kwarto ko kaya mababasag ang binatana ko.

Marahil siguro ay ang taong nagbibigay nito ang naging sandalan ko simula noong napapunta ako dito. Simula noong nawala sina Kuya. Wala akong ideya kung sino ang gumagawa ng bagay na ito. Bagay na gustong gusto ko malaman.

Naalala ko tuloy nang unang beses niya itong gawin.

"Apo sige na buksan mo na ang pinto." Rinig kong pagaalo sakin ni lola.

Umiiyak lamang ako habang yakap yakap ang litrato nila mommy at daddy. Nakalock ang pinto kaya naman hindi sila makapasok.

"I don't need you! I want them now!" Umiiyak kong tugon. Kinusot ko ang mga mata ko gamit ang maliliit kong kamay at tinitigan sila.

"Xyrene....apo tahan na." Kumatok katok pa ito.

"Mommy?Daddy? W-Why did you l-leave? P-Paano na po a-ako mommy? Paano na k-kami" paghagulhol ko pa.

"Please c-comeback!" I can't lose them. I can't.

Inabot ng maliliit kong paa ang sahig saka tumalon para bumaba. Kukuhain ko sana ang teddy bear na regalo sa akin nina Mommy.

Ngunit bago pa ako makalapit roon ay may tumamang maliit na bagay sa sahig. Mula iyon sa bintana na iniwan kong bukas dahil hindi naman iyon about ng mga kamay ko.

Takot akong lumapit sa bagay na iyon atsaka dahan dahan na kinuha. "W-What is this?" I whispered.

A paper!?

Laking gulat ko nang buksan ang papel na yon na nakabalot sa bato.

It was a l-letter?

"Lahat ng nangyayari may dahilan, makakaya mo yan."

The Undestined LoveWhere stories live. Discover now