Chapter 47

51 19 0
                                    

"M-Matagal na niyang alam na may sakit siya kahit sa akin ay tinago na niya iyon." Tugon ng secretary ni Lola habang nakatitig sa puntod nito. "Pero nalaman ko iyon nang dalhin natin siya sa hospital, Nakiusap siya sa akin na magsinungaling sainyo at huwag sabihin ang t-totoo." Nauutal nitong dagdag pa at lumuhod sa harap ko.

"Ms. L-" Pagpigil ko sa kaniya pero hindi ito nagpaawat.

"K-Kung sinabi ko lang sana agad sainyo..." Umiiyak nitong tugon. "S-Sana ay buhay pa siya ngayon."

Hinawakan ko naman ang kamay nito at pilit siyang itinayo. "W-Walang may kasalanan at mas lalong wala kang kasalanan.. Siguro ay talagang hanggang dito na lamang si lola." Wika ko at pinagmamasdan ang puntod niya.

Alleah S. Silvestria

Dalawang araw lamang naming pinatagal ang lamay ni Lola dahil mas pinili namin ni Trevor na iIibing na ito. Alam kong masgugustuhin niya rin iyon dahil ngayon ay magkatabi na sila ni Lolo.

At hindi ko rin makayang makita na talagang wala na siya.

"M-Mauuna na ako, Ma'am Xyrene. Babalik ako kapag naayos ko na lahat ng mga iniwang mana sainyo ng Lola ninyo." Pag-papaalam nito sa akin.

"Wait." Pag-pigil ko sa kaniya, Kinuha ko sa bulsa ko ang flashdrive at ipinakita iyon sa kaniya. "I-Ikaw ang kasama ni Lola noong araw na ito diba?"

Nakangiti naman niya iyong pinagmasdan at tumango. "Ako nga, Ginawa namin iyan last sunday."

"Kung alam mo ito.." Muli ko ring kinuha ang isang pa flashdrive sa bulsa ko. "A-Alam mo rin to.." Nauutal kong tanong.

Hindi nanaman siya nagulat ng pinakita ko iyon sa kaniya, Sa halip ay mas lalo pa itong ngumiti at hinaplos ang pisngi ko.

"Bakit hindi mo na lamang siya puntahan para masagot lahat ng katanungan mo?" Ngumiti ito sa akin at muling humarap sa puntod ni Lola.

"Patuloy pa rin akong maglilikod sainyo, Madam." Yumuko pa ito at naglakad na palayo.

"P-Puntahan siya?" I whispered.

"Xyrene! Natanong mo na ba siya?" Tanong sa akin ni Trevor habang nakatingin sa dinaanan ng sekretarya ni Lola.

I nodded. "Gusto niyang puntahan natin ang lugar na yon."

"Let's go and find the answer." He smiled and hugged me.

"S-Sa tingin mo ba ay buhay siya?" Nangingiyak kong tugon.

"Hindi ko alam.. Hindi ako sigurado pero sana nga.." Tugon niya at hinalikan ang noo ko. "Sana nga ay buhay siya."

Ngumiti na lamang ako sa kaniya, Humarap ako sa puntod ni Lola at lumuhod upang haplusin ang pangalan niya roon. Muli nanamamg nagsiunahan sa pagtulo ang mga luha ko na sunod sunod bumabagsak sa lapida niya.

"H-Hanggang ngayon ay hindi ko parin matanggap..Sobrang sakit parin pero pangako lola." Pinunasan ko ang mga luha ko at binigyan siya ng napakagandang ngti. "H-Hinding hindi na mauulit kung anong pinagdaanan."

I stood up, Nakita ko namang umiiyak narin si Trevor. Tinapik ko ang balikat nito, Agad rin naman siyang lumapit sa puntod ni Lola.

"T-Thank you for being a father and mother to me.. " Narinig kong umiiyak na sabi niya, Naglakad na lamang agad ako papunta sa sasakyan niya at hindi na pinakinggan pa lahat ng sinabi niya.

Ilang minuto lamang ay bumalik na rin sa sasakyan si Trevor, Tahimik lamang siyang nagmaneho. Alam kong hindi pa kami pauwi, Nasisiguro kong sa sinabi ni lola ang pupuntahan namin.

Sa kalagitnaan ng biyahe ay biglang tumunog ang cellphone ko, Agad ko namang kinuha iyon at binasa.

Unknown Number: Magkita tayo bukas ng gabi, Sa tagpuan.

The Undestined LoveWhere stories live. Discover now