Chapter 4

99 32 0
                                    

"Iho. Sige na pumasok ka na ako ng bahala dito sa mga paninda. Bibili na rin ako ng gamot ng kapatid mo paguwi ko." pagpupumilit sakin ng nanay ko habang inaayos ang kanyang mga paninda.

"Ako na nay. Maaga pa naman oh." Turo ko pa sa maliit naming orasan sa bahay. "Magpahinga na lang po muna kayo." Binigyan ko ng matipid na ngiti si Nanay habang nagsisintas ako ng sapatod ko.

Lumapit kay nanay at kinuha ang mga paninda nya. Kinuha ko na rin ang polo ko na kaplaplantsa ko lamang.

"Napakaswerte ko talaga at naging anak kita kenzo." Tila maiiyak na tugon niya pa kaya natawa naman ako at binigyan siya ng halik sa pisngi.

"Wag ka iiyak nay." Pang-aasar ko pa.

"Sige na." Tinulungan niya ako magbutones ng polo ko at inayos ang buhok ko. "Ibenta mo na yan para makapasok ka na." naluluhang sabi nya pa kaya naman hinalikan ko ang noo nya at nagpaalam na aalis na.

Mula bata palang ako ay ang pagtitinda ng bibingka ang hanap buhay ng nanay ko. May dinedeliver minsan sa palengke o kaya naman ay nilalako nya mismo sa lugar namin.

Tatlo kaming magkakapatid. Ako ang panganay kaya ako ang katuwang ng nanay ko sa pagtratrabaho. Si klent ang pangalawa at ang bunso namin ay si ken na may sakit sa puso.

Ulila ako sa ama. Ang sabi ng nanay ko ay anak nya ako sa una nyang asawa na namatay dahil sa aksidente noong pinagbubuntis pa lamang niya ako samantalang ang ama naman nila ken ay mangingisda. Hindi iyon madalas umuwi dahil halos sa laot na natira.

Madilim pa noong umalis ako sa bahay pero ngayon ay lumiwanag na. Halos naging isang oras ang naubos ko sa paglalako sa baranggay namin. Nagmadali naman agad akong ideliver pa ang natira pang bibingka sa palengke.

"Salamat ho!" Nakangiting sigaw ko pa sa mga bumili ng bibingka sa pangleke. May pwesto kasi roon na nagpapagawa ng marami kay nanay atsaka naman niya ititinda sa pwesto niya. Nakangiti naman akong lumabas ng palengke pero agad nawala iyon nang mapatingin ako sa relo ko!

Late na ako!

"Oh kenzo!" Nagulat ako nang tawagin ako ni Tito Edwin. Isang trycle driver. Ang totoo ay ama siya ng matalik kong kaibigan na si Raine.

"Magandang Umaga, Tito" Bati ko pa.

"Ano pang ginagawa mo diyan? Tirik na ang araw oh. Late ka na sa klase nyo. Halika na! Sumabay ka na." Sunod sunod na sabi pa nito kaya naman umangkas na rin ako sa kaniya. "Ikaw talagang bata ka."

"Nagdeliver pa ho ako e. Si Raine ho?" Paguusisa ko pa.

"Kanina ko pa naihatid." Matipid nitong sagot saka nagpatuloy sa pagmamaneho.

Nang maihatid ako ni Tito edwin ay lakad takbo ako papunta sa room ko. Hindi na ako nagtaka nang makitang wala ng estudyante na nasa labas. Nasa loob na silang lahat. Naririnig ko na nagsisimula na ang klase!

Paniguradong gigisahin nanaman akong ng lecturer ko. De bale na. Ang mahalaga ay naitinda ko lahat at naibili ng gamot ang kapatid ko.

Dumiretso naman agad ako sa tapat ng room namin at saka pumasok.

"Miss...Goodmorning po. P-Pasenya na po... N-Nalate ako." Napalunok ako ng humarap na si Miss Velasca.

Tumutulo na ang pawis sa mukha ko at ramdam na ramdam ko na din ang pagod ng katawan ko. Konti na lamang ay matutumba na ako.

"Kinawiwilihan mo na ba ang pagpasok ng di tamang oras Mr. Constello? Well.....Hindi ko kinukunsinti ang ganyang ugali dito!" Malakas na sigaw niya. "Pangatlong beses na 'to!" Mas malakas na sigaw niya.

Napatungo na lamang ako dahil tama naman siya. Ilang beses na akong nalelate sa klase nya at minsan ay di pumapasok dahil nauubos ang oras ko sa pagtitinda para matulungan ang pamilya ko na hindi alam ni Nanay.

"Sorry Miss." nasagot ko na lamang at umupo sa bakanteng upuan na malapit sa akin.

"In my office after my class, kenzo! Mga kabataan talaga ngayon puro pagbubulakbol ang nasa isip!" Hindi ko na lamang sya sinagot kahit pa mali ang sinabi nya tungkol sakin dahil baka mapahamak pa ako.

Sana lang ay hindi niya ipatawag si Nanay. Baka hindi na ako niya hayaang tumulong sa kanya kapag nakarating sa kaniya 'to.

Inilabas ko ang libro ko. Huminga ako ng malalim kung pigilan ang emosyon na nangingibaw sa dibdib ko pero hindi na napigilang pumatak ng luha ko.

Kung hindi lang sana ganto ang buhay ko sana ay mas matutukan ko ang pagaaral ko.

Minsan ay iniisip ko nang sumuko pero hindi iyon maari dahil ako na lang ang inaasahan ng nanay ko at may mga kapatid rin ako. Yung isa ay may sakit pa.

At isa pa ay may pangarap ako.

Nagulat ako ng may nagabot sakin ng panyo. Malabo namang si Raine 'to dahil sa likod ang upuan ni Raine!

Dahang dahan akong tumingin sa panyong hanggang ngayon ay abot abot sa akin.

Sinundan ko ng tingin ang mahaba at maganda kamay niya hanggang sa makarating sa mukha niya!

"X-Xyrene?" Nagulat kong bulong.

B-Bakit yan nandito!?

Basang basa ko sa mga mata niya ang pagaalala sa akin bagaman nakataas ang isa niyang kilay.

Nag-aalala ba siya sakin?

Napatungo ako. Nakita niya akong umiiyak badtrip! Bakit ba kasi nandito yang babae na yan!

Masnagulat pa ako ng marahan niyang hawakan ang baba ko at inihirap iyon sa kaniya. Pinunasan niya ang luha ko gamit ang panyo na hawak hawak parin niya.

Hindi magsink in sa utak ko na iyong Xyrene Silvestria ay punasan ang luha ko!



Maging siya rin siguro ay nagulat sa ginawa niya kaya naman ibinayo niya sa mukha ko ang panyo niya. "Stop crying! Deserve mo naman yan!"

Tinago ko naman agad ang ngiti ko. Kinuha ko ang panyo niya at maayos na ipinunas iyon sa mukha ko. Napatingin naman ako kay Miss na abala parin sa pagtuturo kaya muling tinuon ko ang atensyon ko kay Xyrene  na iiling iling ngayon sa harap ko.

"Bakit ka ba kasi nalate? Ano may computer shop ba dito?" Inis na bulong nito. "Naglakwatsa ka ba muna? O kaya naman ay nambababae ka muna. Tsk."Umiiling pa siya.

Sa halip na sumagot ay ngumiti na lamang ako sa kaniya. Umiwas naman ito agad ng tingin sa akin kaya mas natawa ako. Tinigan ko pa ang panyong binato niya sa mukha ko.

"Mabait ka naman pala eh." Usal ko pa pero tinarayan nanaman niya ako.

Natawa muli ako at marahang tumitig sa kaniya. Nakapusod ang buhok niya kaya kitang kita ko kung gaano kaganda ang side profile niya. May maliliit na baby hair sa batok niya na mas lalong nagbibigay ganda sa buhok niya. Hindi rin nagpapahuli ang napakatangos niya ilong.

Ang ganda mo sana kaso titingnan palang kita ay nakataas na agad ang kilay mo.

Inialis ko ang paningin ko sa kaniya at  ibinalik ang paningin sa panyo niya. Hindi ko nanamang mapigilan na lumabas ang mga ngiti ko.

Sa simpleng pagpunas nya ng mga luha ko, pinabilis nya ang tibok ng puso ko. ibang klase ka, Xyrene.

The Undestined LoveWhere stories live. Discover now