Chapter 34

47 25 0
                                    

Lumipas na ang Isang linggo simula ng nagistay kami rito, Bukas na ang birthday ko pero ngayon raw kami magpaparty dahil magiging abala na kaming lahat bukas dahil malapit nanaman ang pasukan. Mayroon na lamang akong 2 months rito bago pumunta ng Manila.

Sa loob ng Isang linggo ay hindi ko na muling nakita si Matthias simula noong umamin ako sa kaniya pero nakatanggap naman ako ng message sa kaniya na umalis na raw siya rito at pumunta na ng Manila para sa pagiging ganap niyang Doctor.

Ganoon rin si Julian, Hindi ko na siya muling nakita pa pero ang alam ko ay pupunta siya mamaya sa party. Ang rinig ko ay masyado siyang abala sa kompanya nila.

Ang kompanya naman kaya namin? Kamusta na kaya?

"Xyrene, Ito raw ang susuotin mo mamaya." Si Raine iyon, Kapapasok niya lamang sa kwarto ko habang dala  dala ang mga malalaking paper bag.

Nasa likod naman niya si Trevor na may dala dala rin, Napangiti naman ako ng pilit niyang kunin kay Raine ang mga hawak nito pero tumatanggi ito.

Mula ng sinabi sa kin ni Trevor ang totoong dahilan ng pagkikita nila ni coleen ay nagpaliwanag ito kay Raine kaya agad nilang naayos ang problema nila, Nalaman ko rin noong isang araw na sinagot na niya si Trevor. Nasisiguro ko namang mahal talaga ni Trevor si Raine. I'm really
happy for them.

"Bakit ang dami?" Tanong ko at pumunta sa living room kung saan sila naroroon, Nasa balcony ako kanina.

"Mga damit nila Katrize yan, Dito na rin sila magbibihis." Sagot ni Trevor. "May kanya kanya namang name yan."

I nodedd. "Pwede na ba akong lumabas?" Natatawa kong tanong.

Kagabi pa lamang ay hindi nila ako pinayagang lumabas dahil gusto raw nila akong isurprise.

"No. Nagprepare pa ang catering service at ang mga staff rito sa hotel. Beach party ang naisipang gawin ni Lola." Trevor said and sat down in the couch.

"He is tired, Siya ang nagintindi lahat sa baba." Raine whispered, Napangiti naman ako at muli siyang tiningnan.

"By the way, Nasaan si kenzo?" I asked. "Mula kanina ay hindi ko pa siya nakikita." Dagdag ko pa. Nagkatinginan naman silang dalawa at tila nagaalangang sagutin ang tanong ko.

"Xyrene.." Raine whispered.

Umusbong naman agad ang kaba sa dibdib ko. "May nangyari ba kay k-kenzo?"

"Hindi kay Kenzo.." Sagot sa akin ni Trevor. "Sa bunso nilang kapatid, Kailangan raw dalhin sa hospital dahil inatake nanaman ng sakit niya."

Kinuha ko naman agad ng bag ko. "Pupuntahan ko sila."

"Naroroon na si lola leah, Umalis sila kagabi." Pagpigil sa akin ni Trevor..

Inis naman akong umupo sa couch at Itinext siya.

Xyrene: Bakit hindi ka man lang nagpaalam sa akin?

Xyrene: Kenzo?

Xyrene: Zaffiro! replyan mo ako!

Inis kong binato ang cellphone ko sa sofa. Iniignore niya ang mga messages ko! Narinig ko naman ang pagtawa ng dalawa kong kasama.

"Hindi niya pinasabi sayo kasi ayaw niyang magaalala ka at ayaw rin niyang masira ang party mo." Natatawang sabi ni Raine, Kumakain na sila ng prutas roon sa dinning table.

"Makakapunta pa ba siya?" Umaasa kong tanong sa kanila.

"Sa tingin ko ay hindi, kapatid niya yon." Sagot ni Trevor.

Tama siya, Kapatid niya iyon samantalang nililigawan niya lang ako.

Nanlulumo akong tumayo at pumasok sa kwarto ko, Narinig ko pa ang pagtawag ng dalawa pero hindi ko sila pinansin. Malungkot akong humiga sa kama ko at Ipinikit ang mga mata ko.

The Undestined LoveWhere stories live. Discover now