Chapter 18

62 28 2
                                    

"Where are we going?" Tumingin ako
kay kenzo na ngayon ay hila hila ako palabas ng building.

Tumingin siya sa akin at ngumiti "Sa lugar kung saan mapapasaya kita." He said.

Bumilis agad ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Kung ganoon, gusto niya akong mapasaya? I sighed at muling nagpahila sa kaniya.

Natatakot ako.Takot akong umasa sa mga pinapakita niya, takot akong lagyan ng ibig sabihin ng lahat ng iyon. Natatakot akong mahulog sa taong walang kasiguraduhan kung sasaluhin rin ba ako.

"Xy? Okay ka lang ba? Kanina pa ako nagsasakita dito." He pouted, Napatingin naman ako kung nasaan kami na hindi ko namalayan dahil sa pagiisip.

Mukhang likod ito ng building, madamo at hindi gaanong kalinis ang lugar na ito. May pader na nakapalibot, mukhang rito nagcucutting ng klase ang ibang estudyante.

Magcucutting ba k-kami?

Inis akong humarap kay kenzo ngunit bago pa ako makaharap sa kaniya ay hinila niya akong pahiga sa damo na halos abot sa tuhod namin ang haba.

Napaawang ang labi ko nang makita ang posisyon namin. Nakapatong siya sa akin habang hawak hawak ang isang kong kamay, Isang maling galaw lang ay mahahalikan ko na siya.

"Kenzo tum-" He cut me off, tinakpan niya ang bibig ko at sinenyasang huwang umimik.

"May tao ba diyan?" Boses na hindi ko kilala bagaman mukhang matanda na ang tinig niya.

Pasimple ko siyang sinilip, Security guard pala ng school. Luminga linga siya at sandaling napatigil sa pwesto namin, pigil hiningan naman ako dahil sa sobrang kaba. Sa huli ay umalis rin siya at mukha hindi kami nakita.

Tumayo si kenzo at inabot sakin ang kamay niya para tulungan akong tumayo.

"Guard yon dito, Siya ang nakaassign sa paglilibot dahil rito madalas tumakas ang mga gagong estudyante" Natatawa niyang sabi at pinagpaggan ang sarili.

"why are we here?" I asked, He laughed and looked at the wall. "Don't tell me.."

Hindi niya na ako pinatapos sa pagsasalita, Agad niyang umarko para pangkuhin ako.

"Sakay na"

"No! malalagot ako kay lola, uuwi na ako." I said, Inis naman niya akong nilingon.

"Halika na nga xy.."

Magsasalita na sana ako ng may dumungaw na estudyante sa bintana mula sa building. "Guard, may tumatakas!" Sigaw sabay turo sa amin.

"Tangina" Bulong ni kenzo at pinakyuhan ang sumigaw na iyon.

Pero hindi nagpatinag ang estudyanteng iyon, umalis siya roon at nasisiguro namin sa guard ang punta niya.

"Kenzo malalagot na tayo!" I punched his arm. "Kasalanan mo to eh!" I said but he just laughed.

"Lalo tayong malalagot kung mahuhuli tayo, kaya halika na" Tinapik niya ang balikat niya at tumawa.

Wala sa sariling pumangko ako roon, itinaas niya ako sa pader at inuupo sa dulo noon. Kumapit ako ng maghipit at hinintay siyang makaakyat.

"Ako muna, Sasaluhin kita" He said softly.

Kung sakaling nga bang mahulog ako, sasaluhin mo ba ako?

Tumalon siya roon ng walang kahirap hirap at tumingala sa akin. Ngumiti siya at sinenyasan akong tumalon.

Hinuli ako ng dalawang kamay niya, sandali siyang tumitig sa akin sa ganoong posisyon.

"Nasaktan ka ba?"

The Undestined LoveWhere stories live. Discover now