#6

48 3 0
                                    


hinayaan kong tumulo yung mga luha ko habang umaakyat ako sa kwarto. kinuha ko lahat ng gamit ko at ang susi ng camaro.

mom and dad were at the bottom of the stairway, waiting for me. pinunasan ko ang luha ko at taas noong bumaba at hinarap sila.

"Loui---"

"I got to go, you can message me about the engagement. just message me necessary things. I'm quite a busy person." ngumiti ako bago tuluyang lumabas at sumakay sa kotse ko. hindi ko na inantay yung sagot nila at pinaandar na ito.

my vision was blurry because of the tears pero nagawa ko namang makarating sa Bayleaf in intramuros. dumiretso ako sa counter ng sky deck.

"cuervo." sabi ko pagkarating sa bar counter. umupo ako sa pwesto na hindi gaanong nadadaanan ng mga tao. agad na ininom ko ang binigay nung bartender at humingi ng bago. wala akong ibang ginawa kung hindi uminom, times like this that i actually regret having high alcohol tolerance.

"Ma'am are you sure? this will be your 10th drink." nag aalalang tanong nung bar tender pero nginitian ko lang siya.

a few more drinks and finally, i was tipsy. natikman ko na ata lahat ng liquor na kaya nilang ma offer. i was about to order for another one when my phone rang.

"Wazzup Sining!"

[Hoy gunggong lasing ka ba?]

"Huh lasing? ofcourse not! why would i be lasing?" totoo naman. medyo mainit lang pakiramdam ko pero alam ko parin naman na ang english ng cat ay pusa.

[May kasama ka ba riyan? asan ka dali sama ko nomnom]

natawa ko sa sinabi niya. kala ko pa naman susunduin ako ni mokong, makikisali pala sa inom ko.

"i don't want nga! you're going to make landi lang naman here!"

[nyeta lasing ka nga, nagiging conyo ka na!]

[On mo yung location mo]

i stuck my tongue out before ending the call. in-on ko yung Location ko gaya ng utos niya, bahala siya basta ako iinom ako dito. nag aalinlangan na lumapit sakin yung isang crew at sinabing closing na sila, napabuntong hininga ako bago iabot yung card ko para mag bayad.

"Ria!" tawag nung lalaki sa malayo. i squinted my eyes to see who it was, si Art lang pala. naka checkered long sleeves siya at white shirt na naka tucked in sa denim pants. palapit siya sakin kaya kumaway ako.

"bakit di ka nag aaya!" tumayo nalang ako habang pinapakinggan yung reklamo niya. nang maibalik na yung card ko sakin tumayo na ko at sumakay sa elevator, nakasunod lang si Art sakin.

"Arat Big Bad Wolf!" aya ko pero tinignan niya lang ako. ano nanaman tinitingin tingin nito? malapit na nga lang sa kaniya yung inaaya ko rereklamo pa siya.

"Iuuwi na kita. ang layo layo ng bahay mo ayoko mag uwi ng lasing." I rolled my eyes and sulked hanggang sa makarating kami sa Aventador niyang pinag titinginan ng mga tao. may ibang nakikipicture, may iba naman pinag mamasdan lang. gandang ganda sila dito eh mukha namang ipis na may pakpak.

Twisted Fate (Twisted Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon