#58

35 4 0
                                    


Lumipas ang apat na araw at maya maya lang ay aalis na kami at muling tutungo ng Leyte.

"You sure you're fine?" Paniniguro ko sa aking kapatid. Kaming dalawa lang ang pupuntang Tacloban, Hindi makakasama si Art dahil may kailangan siyang branch na bisitahin. Minsan ay nakakalimutan kong may trabaho na nga pala ang mokong na iyon.

and i haven't seen dr. Laur-err-- Fuentez ever since we had a quarrel 4 days ago.

Hindi ito ang tamang oras para ma curious sa kung bakit naging Fuentez ang apelido ni Dethrion Isaac, imposible namang may feud sa kanilang pamilya dahil sa F.Laurence siya nag tr-trabaho.

"You're the one who'll do the talking, not me dongsaeng." Inirapan ko siya at sumakay na sa helicopter. napag pasiyahan kong tatlong araw kami mag st stay roon, nag pa book na ako ng roomsa Ironwood. ayoko namang pagurin siya dahil sa magkasunod na Air travel.

Tulad ng dati ay sa Ormoc kami lumapag. 12:54 ang exact arrival namin sa Ormoc Airport, tulad ng inaasahan ay mag rereklamo nanaman ang kasama ko dahil sa gutom.

Wala to, mas maarte ito kay Arthale hindi papasa sa ginintuang dila nito ang simpleng karinderya.

"Arrasseo, let's stop by the mall first." Hindi tulad nang unang punta ko, ngayon ay nakapag pahanda kami ng sasakyan. Mas madadalian na kaming bumyahe.

Hindi ko inaasahan na maraming tao sa mall ngayon, mukhang may program sa gitna dahil roon ang nagkakagulo, may iba't ibang pailaw rin ngunit ang atensyon naming magkapatid ay nasa mga restaurants na pag pipilian lang.

"Gerrys." Aniya.

"Shakey's." Sagot ko.

Bumuntong hininga siya at nag labas ng piso. Ganoon ang ginagawa namin kapag pumipili ng kinakainan, pero madalas ay si tito Ares ang nasusunod. Iba iba kasi kami ng hilig, my brother likes fishes and seafoods. I like poultries while Tito Ares is used to eating korean foods.

In the end ay nanalo siya, wala akong choice kung hindi sa Gerry's grill nalang din kumain. May chicken rin naman roon kaya iyon ang inorder ko, sinigang na bangus naman ang kay kuya.

"How's the construction in Batangas?" Tanong ko habang hinihintay ang aming pagkain. "It's going well. It should be finished in 9 months." Tumango ako.

Hindi ko pala maabutan ang pag tapos noon, 3 months lang ang maximum na naileave ko. kailangan kong bumalik sa korea dahil hindi ko pwedeng matagal na iwanan ang trabaho ko sa Taiwan.

Once a month lang ako bumibisita sa Taiwan, si Lei ang namamalagi roon. Masyadong matrabaho kung aaralin ko rin ang lenggwahe nila, baka mag halo halo na ang mga iyon sa utak ko at mapa 'magandang hasaeyo zao an to you' ako sa kanila bigla.

Mabilis kaming kumain, gusto ko nang ituloy ang pagkausap sa mga magulang ko ngayong araw para maibsan na ang kaba ko.

Nagulat ako nang masulyapan ang mga bagong pumasok sa restaurant. My eyes widened at agad na napatayo, that caught the attention of many-including the ones at the entrance.

"Anagirl!"

Mas lalo siyang gumanda. Kung para sakin, ang Amber Delice na matalik kong kaibigan noon ay napakaganda; triple na ang ganda niya ngayon. Her maturity made her more sophisticated and less sassy, pero andun parin ang mataray na itsura ng kaniyang mga mata na para bang iyong sa pusa.

"I missed you." Agad siyang nakalapit at niyakap ako. Matangkad na si Amber noon pero mas tumangkad siya ngayon, kahit naka flat sandals lang siya ay hanggang labi niya lang ako. Perpektong perpekto para maging modelo.

Twisted Fate (Twisted Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon