#80

32 2 0
                                    

Warning: R-18

--

"Ready?" Sigaw ko, at saka ibinato ng buong lakas ang bouquet sa himpapawid. Nang maibato ko na ay humarap na ako sa kanila upang makita kung sino ang nakasalo.

My eyes widened when all the girls waiting to catch the bouquet all had their eyes on my brother who also looked surprised! Nakaupo lamang siya sa bench na nasa harapan at may kausap sa phone, mukhang sa kandungan niya napunta iyong bouquet.

"At long last, My son is finally getting married!" Sigaw ni tito Ares mula sa kabilang banda, katabi si mommy at daddy. Kumunot ang noo ng aking kuya habang lahat kami ay nag tatawanan. Ang mga ibang babae naman ay nanlumo dahil hindi sila ang nakasalo nuong bouquet.

We booked a hotel in BGC, the whole upper part of the hotel so that we'll be able to accommodate all the guests. the reception will take place at the roof deck, maganda ang party area at may malaking pool na rin.

Tinulungan ako nila Amber na makapag palit. She was now wearing a silver bodycon which hugged her body perfectly. malalim ang dibdib noon at may slit sa gilid.

I changed to a white bohemian laced dress na aabot sa lapag ang haba ng likod. the front ended right above my knees. It was sleeveless and the upper part was fit. It showed no cleavage at all, it was really modest and pretty.

Nang makarating sa reception area ay naroon na si Dice sa harap, nakapag palit na rin siya. He was now wearing a white button down dress shirt and black slacks, 3 buttons were opened and his hair was now intentionally messed up. Umupo ako sa tabi niya, kung saan kami'y nakaharap sa lahat ng bisita. I kissed his cheeks and he kissed my lips in return!

it was just a peck but all of them squealed and clapped their hands. Nang bumitaw na sa pag kakahalik si Dice ay napatakip nalang ako sa aking mukha dahil sa kahihiyan! gosh that was so embarassing!

"You're like a tomato." Natatawang bulong niya, pasiring ko siyang tinignan at pasimpleng pinalo ang braso niya. This man is having fun teasing me!

Maraming naka handang programa, si Neobe Angelique at Vince ang nag silbing MC. Si ate Arythe ang gumawa ng programa, she wasn't able to attend since she had to suddenly fly to their parents in Hawaii. May emergency raw ayon kay Arthale, ate sent me her congratulatory message naman thru video.

"Alam niyo, yang babaeng yan kasama ko yan simula bata ako." Si Arthale na ang nasa stage, it was his turn now to relay his speech. Tapos nang mag speech si Amber, some were laughing because of her conyo and her accent but most of them were mesmerizing her beauty. Hindi rin siguro nila inakalang makakakita sila ng modelo sa personal.

"Nagkakilala kami sa gathering ng parents namin. Ayaw ko sakaniya non, ayaw ko kasi makipag laro sa babae. Eh kaso umakyat ng puno ng mangga ang walanghiya para lang makapag pasikat sakin, kaya ayun. kinaibigan ko na, kawawa naman baka umiyak." Nag sitawanan sila, sumulyap si Arthale sa gawi namin habang tumatawa. dinuro ko siya gamit ang tinidor na gamit ko, nagbabanta gamit ang mga mata.

"Sama ng tingin sakin ni madam! Tol hawakan mo asawa mo di ako papapigil dito."

"Kasama ko si madam simula pagkabata, ako kasama niyan sa lahat ng lakad niyan. Sa sobrang dalas naming magkasama, pinagawan na ko ng sariling kwarto sa bahay nila!" Muli ay nag tawanan ang lahat. Hindi lang kasi ang kwento niya ang nakakatawa, maging ang paraan ng pagkwento at may mga actions pa! parang tanga talaga kahit kailan.

"Pero yan si Elouise, alam ko lahat ng pinagdaanan niyan. Pareho ko silang kaibigan pero mas marami kaming pinag samahan nung balasubas. Si Dice wala yan, kay Elouise lang mabait, unfair." Kunwari pa siyang ngumuso, mukhang nag tatampo. Napapikit nalang ako dahil sa sobrang pagkatawa, a tear even escaped from my eye!

Twisted Fate (Twisted Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon