#13

45 3 0
                                    

"Ma'am 9,638.75 po." napatingin yung ibang bumibili sa counter namin. inabot ko lang yung card ko at inantay matapos yung mga kuyang nag lalagay ng pinamili ko sa boxes.

kung ano ano sinasabi nitong lalaking to!


"then, do you want to run away?" napatigil ako at tinignan siya. unti unting nag init yung pisngi ko at lumakas ang pag kabog ng dibdib ko. is he asking me to run away with him?

"w-what?" i hesitantly asked.

"just kidding. baka maligaw ka pa pag naglayas ka mag isa."


Geez! why did i get worked up over nothing ba?!

i can't believe i actually considered his suggestion!


natapos nang mai punch lahat, buti nalang kasama ko si Dice kaya may tumulong sa akin mag bitbit. tig isang box ang hawak ng dalawa niyang kamay habang yung natitirang tatlo ay binuhat ng staff papunta sa kotse. siyempre may bitbit din naman ako na dalawang malalaking plastic. ano ko? pabuhat?


"Binili mo na ba yung buong mall?" Art watched them put the boxes inside his car with wide eyes.

i scanned the car at mukhang hindi pa nakakabalik si Selena. "pinag buhat mo pa si Dice! nakakahiya ka madam!"


napatingin ako kay Dice na nilalapag na ang huling box sa likod.

"It's fine." tipid na sagot niya,  binalik ko ang tingin ko kay Art and i stuck my tongue out. inirapan lang niya ako at tinawagan na si Selena.

ilang minuto rin at nakita ko na ang matangkad na babaeng pabebeng tumatakbo. andami niyang bitbit na paper bag from different shops, mukhang goodmood siya ah. mas goodmood yung mall kasi yumaman nanaman sila.

"Let's go!" aya niya at pumasok na sa loob ng kotse.

pinikit ko nalang ang mata ko, bumabalik nanaman sakin yung sinabi ni Dice. running away is also an option. i don't plan on doing it pero i'll keep that in mind. 

pagkarating sa bahay, binilin ko na kay manang yung distribution nung groceries.

"kayo nalang po ang bahala."

"maraming salamat po ma'am, malaking tulong po ito sa amin." Nanay Linang gave me a warm hug, i kissed her cheek and hugged back. hindi ako sumabay sa tatlo na mag lunch kasi wala akong ganang kumain. umakyat nalang ako sa kwarto at inayos na yung mga gamit ko.

"inaantok ako." reklamo ni Arthale sakin habang nasa Living room kaming lahat. nag papahinga lang saglit bago bumyahe pabalik ng Maynila.

"Hey we can't have you inaantok! baka mabangga tayo!" reklamo ni Selena, totoo naman. delikado mag drive pag inaantok. prone to accidents.

binuksan ko ang phone ko nang maramdaman ko itong mag vibrate. nag text pala si mommy.


Mommy

Where are you? I asked Ashton to visit your condo but he said that you weren't there. i was embarassed.



i frowned and clicked my tongue. binato ko ang phone ko kay Art na nasalo naman agad. tinaasan niya ko ng kilay,

Twisted Fate (Twisted Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon