#78

25 2 0
                                    


"It's okay honey. you can go out next time."

Nakasandal ako sa window ng eroplano, nakatingin sa mga ulap sa ibaba namin. Limang araw ang itinagal namin sa Taiwan, sa limang araw na iyon ay wala akong narinig na kahit ano mula kay Dice.

Ngayong pabalik na kami ng Pilipinas ay balak kong dumiretso papuntang ospital. Panigurado'y bumalik na lamang sa shift si Dice dahil wala naman siyang gagawin ng isang linggo. Or meron? Hindi ko alam, siguro kung wala siya roon ay didiretso ako sa bahay niya. Gustong gusto kong ituloy ang nasirang plano namin kahit na dalawang araw na lang ang natitira sa linggong ito. Gusto kong bawiin ang nasayang na oras na hindi ko siya kasama,

life doesn't last forever and time stops for no one. So as much as possible, we have to be with the people we love most.

plano kong itulog na lamang ang lungkot, tutal ay halos gabi gabi akong puyat matapos lamang ang trabaho. Expected kasi ay dapat 4 weeks akong magtatagal roon, mabuti nalang at nagawa ko lahat ng kailangang ayusin in 5 days. Regarding sa planes, hindi agad agad maaayos yon kaya mag papadala muna ng backup planes mula korea.

"Look at this, Louie. Isn't your mom pretty?" Nakangiting iniabot sa akin ni Daddy ang magazine na kaniyang binabasa. It was a new release, Mom was on the cover page.

Ako ang nag send ng article na ito, i'm a journalist graduate so i have the experience. it was a way to let the industry know that Lazuli Jewels will have the biggest come back—my mom being the center of it. Totoo nga ang sinabi ni Dad, ang ganda ni mom sa cover page. Akala mo ay propesyonal na modelo.

But by looking at my dad's smile, i couldn't bring myself to agree. Hindi ko na kailangang sumang ayon, sa sobrang lawak ng ngiti niya ay parang sinalo niya na pati ang pagiging proud ko. He's really my mother's number one fan.

Hinayaan ko na lamang ang tatay ko at ipinikit na ang aking mga mata. I reclined my chair and slept comfortably througout the ride. Nagising na lamang ako nang tapikin ako ni daddy sa balikat. Gabi na sa labas ng bintana, nakalapag na pala kami.

"Huh?" my brows furrowed once we arrived inside the airport. Luminga ako sa paligid at lalo lamang kumunot ang aking noo.

This doesn't look like the manila Airport? it's impossible for it to be renovated in just 4 days.

"Dad asan tayo?" Naguguluhang tanong ko ngunit dire diretso lamang ang tatay ko na para bang alam niya nga kung nasaan kami. Hindi niya ako sinagot kaya naman sumunod na lamang ako sakaniya palabas ng paliparan, my eyes widened when i saw the sign,

"Dad why are we in Cebu?" Patakbo ko siyang sinundan dahil sa bilis ng kaniyang pag lakad. Nasa Mactan Airport kami! what the heck? namali ba ng landing? lumagpas ba yung eroplano? wala kaming na book na hotel, saan kami matutulog?

"Yes. Do you like it?" Aniya nang maipasok ang bagahe niya sa isang hindi pamilyar na sasakyan. kinuha niya ang luggage ko at ipinasok na rin iyon sa loob.

"Why are we in Cebu?" Ani ko habang sumasakay sa back seat. Sa shotgun seat umupo si daddy, may sinasabing kung ano sa driver na hindi ko maintindihan. Bisaya kasi.

"Aren't you sulking because you weren't able to go to Cebu? Won't you go on a day with Daddy tomorrow then?" Sinilip niya ako sa likod, giving me a sweet smile.

Nag mamaktol ako dahil hindi ko makikita si Dice, pero parang masama na akong anak kung sasabihin ko pa iyon.

Mukhang na ready na ng aking ama ito dahil may tutuluyan na kaming hotel. I wasn't familiar with the place, it's been years since i've been here in Cebu. Pumasok kami sa magkaibang kwarto ng isang malawak na suite, maaga raw kaming aalis bukas sabi ni Daddy kaya matulog na raw kami at kumain naman kami bago dumiretso rito sa hotel.

Twisted Fate (Twisted Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon