#34

26 4 0
                                    


"You told me you weren't coming." Hindi parin makapaniwalang aniya, nakapatay ang lahat ng ilaw sa loob at tanging ilaw mula sa buwan ang makikita kaya nag adjust pa muna ang aking mga mata.

He turned the dim switch on at nakita ko na ang kabuuan ng loft niya, the colors were playing between white gray and black. may hagdan papunta sa bedroom niyang salamin ang pader, sa ibaba naman noon ay 3 shelf walls na puno ng mga libro at ang kaniyang study table. the design was very minimalistic, the whole loft screamed Dethrion Isaac.


"Done apartment viewing?" I almost jumped back because of his sudden whisper. saglit kong naramdaman ang hininga niya sa aking tenga at nangilabot ang buong katawan ko dahil roon. ayokong lumingon dahil alam ko kung gaano siya kalapit sa akin ngayon.


"I brought food." I frowned when i finally got ahold of my self, nag lakad ako papunta sa sofa at nilapag sa coffee table ang mga dala ko. Kung malaki ang unit ko ay doble iyong sa kaniya, pwede na nga ata ang isang pamilya rito.


Big spaces gives me more feeling of loneliness, paano niya nakakayanang manirahan dito ng mag isa?


umupo siya sa tabi ko at nilapag ko sa harap niya ang mga pagkain, mukhang hindi pa siya nag d-dinner dahil mukhang natatakam siya sa take out na nilalabas ko.


"You didn't eat dinner yet?" Tanong ko. parang bata siyang umiling, hindi parin inaalis ang tingin sa mga pagkain. I sighed, watching him eat.


nilibot kong muli ang tingin sa kaniyang tirahan, kung ano ang kinabongga ng kwarto ko ay yun naman ang kina simple ng unit niya. Monochromatic ang datingan dahil ang mga libro at kaunting halaman lang ang nag bibigay kulay sa lugar na ito.


"You shouldn't drive alone at night, delikado." Kunot noong aniya habang nililigpit ang pinagkainan, I pouted and crossed my arms. Nag effort na nga ako pinapagalitan pa ko, hmph.


"Eh it's christmas na later oh! 11:46 na." Sabi ko at pinakita sa kaniya ang orasan sa aking phone.


"Did you tell them that you'll be here?" Tanong niya, nag iwas ako ng tingin at kinuha ang paperbag. kunwari'y walang narinig. nang hindi nakakuha ng sagot mula sa akin ay bumuntong hininga siya, nakuha na ang sagot na kailangan.

"I have a gift hehe." Hinarap ko sa kaniya ang paper bag. kumunot ang noo niya at pinag masdan iyon, hindi man lang kinukuha.


nangangawit na ko!


"Uy! kunin mo! nakakangawit!" Reklamo ko, he softly chuckled placing the paper bag down between us. nagtataka akong tumingin sa kaniya,


ayaw ba niya?


"Hindi mo pa nga nakikita ayaw mo na agad." ngumuso ako at sumimangot na ikinatawa niya pa lalo, tss. abnormal!


"I don't need any gift love," sabi niya.


"you being here is the only gift i'll ever need. Love, you made my christmas feel merry again." He enclosed both his hands on mine, kumibot ang labi ko dahil sa matinding nararamdaman, damn! siya dapat ang emosyonal dito kasi siya ang sinurprise!


pinigilan kong pangiliran ng luha at muling kinuha ang paper bag.


"Hindi regalo yon! matic na yon! eto, eto ang regalo!" Masungit na sabi ko, tinawanan niya lang muli ako at tinignan ang laman ng paper bag na iyon.

nilabas niya ang box ng binili kong relo at napangiti siya. yes! mission accomplished!

"I noticed you own so many watches kasi, kaya i assumed that you like collecting them."


Twisted Fate (Twisted Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon