#25

42 3 0
                                    


Ilang linggo ang lumipas at naging abala kaming lahat sa pag aaral. It's already the month of December and christmas vacation is getting near that's why we have to finish all our lectures before that time comes.

dagdag na rin ang nalalapit na Co-Uni Party na gaganapin sa Cebu kaya kailangan naming hindi matambakan. Linggo linggo na ulit akong bumabalik sa mansyon simula noong pag uusap namin ni Daddy. I don't want them to feel neglected, magulang ko parin sila kahit na ganoon ang naging desisyon nila ukol sa kinabukasan ko.

naging abala rin si Dice at Art dahil kasagsagan ng Thesis Defense nila. paminsan minsan ay lumalabas kami ni Art, hindi siya mauubusan ng kwento tungkol sa mga chicks niyang nagiging bayolente kapag iniiwan niya.

In dice's case, i haven't seen him since he last drove me home. that was weeks ago, though paminsan minsan ay nag tatawagan kami. pero madalas ay nag uusap kami thru text.

"Are you ready na ba Anagirl?! gosh i'm so excited! mas may thrill pala kapag kayo mismo ang nag plan ng party!" magiliw na ani ng kaibigan ko. tumango lang ako bilang tugon habang umiinom sa binili kong frappe.

nasa kalapit na mall kami ngayon, sinasamahan ko siyang bumili ng swimsuit niya dahil gusto niya lahat daw ng susuotin niya sa cebu ay bago. I have so many damn swimsuits and i don't need to add more on my collection. Isa lang ang katawan ko ngunit dose-dosenang swimsuits ang binibigay nila sa akin.

"Are you sure you don't want to buy?" Tanong niya, habang inilalahad sa akin ang isang black na two-piece na mukhang masyadong revealing.

"Marami akong ganon, hindi ko na kailangan bumili." mahina kong tinulak palayo sakin yung nilalahad niya sa katawan ko na parang ini-imagine niyang suot ko iyon.

I'm not against revealing clothes but I know my limits. hindi ko iniisip ang opinyon ng iba pero ayokong makita ang sarili ko na halos labas na ang kaluluwa dahil sa kasuotan.

"Makakasabay natin ang Enderun sa plane." nilingon ko si Amber na busy parin katitingin ng swimsuit kahit na may lima nang nakalapag sa cart na tulak tulak ko.

"Konti lang kasi ang students sa Enderun and marami ang sumama sa La Salle, Bali sa atin ang isang buong plane and Enderun people will be our sharemates." animo'y namangha ako sa sinabi niya kahit na expected ko naman na ma ookupa namin ang isang buong eroplano. ganoon kayaman ang mga tao sa paligid ko, ganoon nalang kadali sa kanilang mag lusta ng pera,

nayayamot ako sa isipin na hindi ako nalalayo sa kanila.

I shook my head, erasing the negative thoughts and plastering it with positive ones. makakasama ko si Dice sa plane, sana magkalapit lang ang seat namin.

yun ay kung kasama nga ba siya?

napasapo ako sa noo ko nang maalalang hindi ko pa tinatanong kung sasama ba siya sa trip to Cebu. Pabo! na-excite kahit di pa alam kung sasama ba in the first place!

"M-mandatory ba sa inyo na sumama?" nauutal kong tanong, nilingon ako ni Amber at tinaasan ng kilay. nilapag niya muna ang panibagong napiling swim suit bago mag salita,

"Council officers? ofcourse! All student councils from all the schools included is obligated to join the Co-Uni party. Libre kaya kami! hahaha!" natatawa siya na para bang joke ang sinabi niya. sabagay, dapat lang na malibre na sila dahil halata naman na pinag hirapan nila ang pag pla-planong iyon.

bahagya akong nakahinga ng maluwag dahil nasisiguro kong kasama si Dice. I'm not surprised at myself by having these kind of thoughts anymore but i can't still say that I like him.

Twisted Fate (Twisted Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon