#27

38 3 0
                                    

A/N: Hindi po ako bisaya, i just relied on google translate so please don't judge and send me a private message if it sounds wrong, Thank you!

----

parang dinikit ng pinaka matibay na glue ang paa ko sa buhanginan dahil hindi ako makaalis sa pwesto ko,


pilit kong inaangat ang tingin ko sa mata niyang nahaharangan ng sunglasses, but because of the gravity of the earth my eyes kept looking down to his body. Mas nasisilaw pa ako roon kesa sa mismong araw.


"Ana naay problema imo?" Tanong ng isang matandang Cebuano. I got back to my senses and frantically faced him, trying to understand what he just said, hindi ko alam!


"p-po?" naguguluhang tanong ko.



"naa ang imong mga kauban." Tinuro niya ang kalooban ng isla, kung saan naroon ang mga kasama.


Nahihiya na ko sa matandang bangkero dahil hindi ko talaga naiintindihan ang sinasabi niya. hindi ko alam kung bakit niya tinuturo yun, kung dapat na ba akong pumunta roon o kung ano.


My eyes widened when i felt a hand slid on my shoulder, pulling me towards the one who did that. Agad akong napatingala at laking gulat ko nang nasa tabi ko na si Dice na diretsong nakatingin doon sa bangkero.


lalo akong naging aligaga, ramdam na ramdam ko ang pag didikit ng mga balat naming dalawa, iniisip ko na kahit braso lang ang nadikit sa dibdib niya ay mararamdaman niya parin ang malakas na tibok ng puso ko.


"Maayong Buntag Mang Ruto." His voice sent chills all over my body. parang ilang taon kong hindi narinig ang boses niya, hindi na ako makapag isip ng maayos dahil hindi niya parin inaalis ang kamay sa aking balikat.


"Ah Isaac, Iho! kumusta?" Nakipag kamay ang matanda kay Dice. palipat lipat ang atensyon ko sa kanilang dalawa, mukhang mag kakilala sila. madalas siguro dito si Dice?


"Ayos naman ho, ngayon nalang ulit napadalaw." this time my gaze locked on his smile. his warm yet formal smile.


"Kinsa na siya?" Tanong ni Mang Ruto habang naka turo sa akin. tumaas ang kilay ko at tinignan si Dice na may nag tatanong na mata.


"nahisalaag nako." natatawa niyang sagot. nag paalam na si Mang Ruto kaya naman naiwan kaming dalawa sa tahimik na pampang. hindi parin ako makapag salita dahil sa gulat.


marahan siyang bumitaw at humakbang ng kaunti para bigyan ako ng kaunting espasyo, hinarap ko siya na nakangiti, mukhang ineenjoy kung anong reaksyon man ang pinakikita ko ngayon.


unti unting tumalim ang aking titig nang mukhang wala siyang planong mag paliwanag. He looked so damn entertained while i'm here starting to get angry. umiling iling ako at binilisan ang lakad papunta sa ibang parte ng isla kung saan nag sasaya na ang mga studyante.


rinig ko ang yapak ni Dice sa likod ko kaya alam kong sinusundan niya ko. Bakit kasi hindi nalang niya sabihin kung bakit nandito siya? kung bakit hindi siya sumabay papunta? hindi ko alam kung saan nanggagaling ang inis ko pero para akong bata na nag mamaktol.


"Where did you run off to?" Salubong ni Art na may hawak nang dalawang Tanduay. Inabot niya sa akin ang isa at mataray kong tinanggap ito. lumagpas ang tingin niya at nagulat kung sino ang nasa likod ko.


Twisted Fate (Twisted Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon