#21

41 3 0
                                    


"I'm not."


i suddenly felt awkward. ano ba naman ito! ano ba iniisip niya?!


"i don't like to hear you snore." he smirked and finally walked inside. nag init ang dugo ko dahil sa hiya. excuse me i never and will never ever snore!


"jerk!" binato ko siya nang may mahigip na unan ang kamay ko. sinalo niya iyon habang tumatawa.


"Uy oh, may free bus tour daw na promo dito mamaya." nakahiga na kami ngayon sa kaniya kaniyang kama. binabasa ko ang brochure na nakapatong sa sidetable na namamagitan sa amin. nakasandal si Dice sa headboard at may kung anong kinakalikot sa laptop niya,


"We don't need a bus tour, we can travel with my car." simpleng sagot niya habang nag titipa ng kung ano. sinilip ko iyon at marami akong nakitang mga salita, at microsoft word iyon kaya mukhang importante.


"Sayang naman." I frowned, looking back at the brochure. andami kasing pupuntahan! makakatipid din kami sa gas ng sasakyan niya at may tourguide pang kasama!


"the tour will start at 7 am and it's already 5:30 El. Hindi ka pa natutulog. puntahan nalang natin lahat yan bukas." I pouted, shifting my gaze to him and the brochure alternately.


"I'm not sleepy naman! dalina, please?" inangat ko ang katawan ko para mas mapansin niya ko. sa wakas ay pinasadahan niya na rin ako ng tingin. nag taas siya ng kilay at bumuntong hininga, closing his laptop and placing it beside him.


"fine. sleep now." sa sobrang excited ko ay agad ko siyang sinunod at nakatulog nga ako kahit na isang oras lamang ang tinagal nito.


pag gising ko ay sinusuot na ni Dice ang kaniyang relo. Naka plain white shirt lamang siya at black slacks. mabilisan na lamang akong naligo at nag suot ng highwaisted jeans at baby pink na knitted off-shoulder top.


"iwan mo nalang car keys mo dito, hindi naman tayo gagamit ng kotse." sinunod niya naman ang sinabi ko at nilapag ang mga iyon sa drawer. i wore my clubmaster nang lumabas na kami sa inn. naka ball cap si Dice habang bitbit bitbit ang pink na drawstring ko. siya na raw eh, edi hinayaan ko.



pumasok na kami sa loob ng bus, kaunti palang ang naroon kaya nakapili pa kami ng magandang seat. i sat on the window sit with him beside me, we're in the middle part of the bus kaya hindi nakakahilo. habang nag hihintay ay pinag mamasdan ko ang mga tao sa labas ng bus, nag lalakad sa kalsada at ang iba naman ay nakatambay lamang. 


one man standing beside the street lamp caught my attention. he was looking straight at me.  tinignan ko siya pabalik, pinag masdan mula ulo hanggang paa. Mas mahaba lamang ng kaunti ang buhok niya kay Dice at nakababa ito. it was long enough to not cover his eyes, medyo magulo siya pero iyon ang nagpa ganda rito. Mas maputi siya sa akin at mas singkit ang kaniyang mata.

mahahalata mong may lahi talaga siya. he was wearing a gray dress shirt and white slacks. nakabukas ang unang tatlong butones niya at naka tupi ang sleeves hanggang siko kaya hindi ito masyadong mukhang pormal. brown lee cooper naman para sa kaniyang sapatos. 



binalik ko ang tingin sa kaniyang mata na masama parin ang titig sa akin. am i the one he's glaring at? baka naman nag a assume lamang ako at mayroon pang ibang tao na kakilala niya. i'm sure i've never met him before, may it be in school or the company his face isn't even close to being familiar. 


Twisted Fate (Twisted Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon