#36

24 3 0
                                    


"Elouise.... Why are you here?"

Tinignan ko lang siya ng diretso, i could see Dice glancing at us with a confused look from my peripheral vision. He didn't know what was currently happening, he's the only one not aware out of the three of us.

nangingilid na ang mga luha ko, nanginginig na ang mga kamay ko, nanlalambot na ang binti ko.

kung hindi lang ako hinila papasok ni Dice ay tutumba na ako, walang buhay akong nag pahatak papasok. Nilapag niya sa kitchen aisle ang mga dala ko, ngunit sa kabila ng lahat ng iyon ay hindi naalis kay Ashton ang paningin ko.

"Oh, right. Elouise this is my brother," Masayang pag papakilala ni Dice sa 'kapatid' niya. siya lang ang masaya sa aming tatlo, maging si Ashton na parating nakangiti ay nakikipag titigan lang sa akin ng seryoso.

"Do you two know each other already?" Doon lang ako napatingin kay Dice, para akong bumalik sa huwisyo. No Elouise, Now's not the right time to slowly process everything.

"Yes." Tipid na sagot ko, pasimpleng pinunasan ang mga luha nang hindi siya nakatingin sa akin. Kailangan kong kumalma, walang mararating ang pag papanic ko.


"Dethrion Isaac Laurence..." I muttered and gave off a small laugh. tumungo ako upang hindi maipakita ang ekspresyon kong kahit ako'y hindi ko maipapaliwanag.

ano nga ba ang itsura ko ngayon?

ano kaya ang naging itsura ko nang makita ko ang fiancee ko sa tinitirhan ng boyfriend ko?

ano kaya ang naging reaksyon ko nang malaman kong kapatid ng fiancee ko ang mahal ko?

mukha ba kong tanga? napaglaruan? kingina lang ng tadhana, hindi ko alam kung gaanong kabigat na kasalanan ba ang nagawa ko noong nakaraang buhay ko para gawin sa akin ito.

"She's Anaria Elouise Lazuli Chase, Dethrion... Ms. Lazuli... My engagement partner." I didn't bother looking up to see his reaction. I can't bear to face him. I can't bear to look at him, para akong nag loko kahit na hindi ko naman alam na ganito ag sitwasyon namin.

Suddenly, everything made sense.


Nang makita ko si Ashton sa La Salle habang hinahanap namin si Dice, ang laging absence ni Dice sa tuwing makakasama ko ang pamilya niya...

"Kaya ka ba na late ng isang araw sa trip natin sa Cebu dahil birthday ni Frion?" naluluha akong umangat ng tingin sa kaniya, garalgal na ang aking boses at halos mamuti na ang kamao ko sa sobrang pagkakahapit noon.

Tuluyan nang bumagsak ang mga luha sa mata ko ng makita ko ang mga mata niyang punong puno ng emosyon. Pagtatakha, panlulumo, pananakit...

"Kailan pa?" Tanong ni Ashton sa kaniyang kapatid. I could see Dice clench his fist, tighter than how i am clenching mine. kunot noo niyang hinarap ang kaniyang kapatid, naguguluhan at hindi parin makapaniwala.

"Fuck.." Singhal niya at napasabunot sa kaniyang buhok. ibinagsak niya ang sarili sa upuan, hindi ko maalis ang tingin sa kaniya dahil hindi ko alam ang aksyon na gagawin niya. kung magagalit siya, nais ko siyang pigilan.  kung iiyak siya, gusto ko siyang patahanin.


kung ano ang gagawin niya, nag hahanda na ko para saluhin iyon.


"This is so messed up." Bulong pa niya.


mariin kong ipinikit ang mga mata ko, hindi man lang ako makahakbang. ang tanging gumagalaw lang sa akin ay ang mga luhang nag uunahang umagos pababa. sa dami ng nalaman ko kay Dice, isa na roon ang matinding pag hanga niya sa kuya niya... sadly i didn't found out who it was until now.


Twisted Fate (Twisted Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon