#10

43 4 0
                                    


"Hi Babe!" the girl greeted, the smile never disappearing.


nanlaki ang mata ko sa biglaang ginawa niya, pero mukhang ako lang ang nagulat. bubuksan niya na sana ang pinto sa side ni Dice.


"Crowded na riyan Lena! dito ka na sa harap!" She looked at Art then Dice, shifting between the two. She pouted and opened the door to the shotgun seat.


i swear for a moment i saw her glare.



pero let's not make assumptions. baka dahil lang sa init sa labas.



"You never met before right? She's the friend i was talking about! Ria pakilala ka" Hindi lumingon sa gawi ko si Selena, as if she didn't really care.


"Hello! I'm Elouise." pag papakilala ko habang nakangiti, offering my hand. nilingon niya ko pero wala na yung enthusiasm sa mukha niya. She faintly smiled,


"Selena. sorry i didn't notice you earlier!" binalik niya na ang tingin niya sa harap kaya binawi ko nalang yung kamay ko. baka germaphobic, pero hindi. germaphobic pero hahalik bigla sa pisngi?


tinanggal ko agad yung earphones at inabot kay Dice na halatang nag tatakha. ayokong pag selosan ng girlfriend niya no! umusod na ko sa window side ko at tumingin nalang don. Selena was talkative, though lahat ng kwinekwento niya hindi ako nakaka relate.


pinikit ko nalang ang mata ko at umidlip hanggang sa makarating na kami sa LU. It's been a while since i last visited the house here. i wonder if sinabi nila kay mommy na pupunta ko. i dont care, this is mine anyway. sa akin naman naka pangalan ang titulo.


nauna na kong pumasok sa bahay, the maids attended to me and to my visitors immediately.

"Did you prepare the rooms?" I asked nanay Tinang, the headmaid and the one incharge of taking care of this house since wala naman talagang nakatira rito.


"Opo ma'am nalinis na po yung tatlong kwarto, hindi ko po alam na apat po pala kayo." Napasapo ako sa noo ko ng ma realize na nakalimutan kong ipahabol na may isa pa kaming kasama.


"It's okay, i forgot to update you. sila nalang gumamit nung tatlong naihanda na, i can wait for mine." tumango si Nanay bago ipakita sakanila yung daan papunta sa mga kwarto.


"Antagal ko nang di nakakapunta dito!" tumabi si Art sa akin sa sofa habang tumitingin sa paligid, hindi naman na kailangan ituro yung daan sa kaniya dahil sa lahat ng oras na nandito ako, buntot ko siya.


"Tahimik mo naman! galit ka ba? uy!" tinulak tulak ako ni Art kaya hinampas ko siya ng unan. tumayo siya at lumipat ng upuan para hindi ko maabot. i rolled my eyes and opened my phone.


"masyado naman galet si madam." bulong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. tumawa siya at nag lakad na palayo,


"Auntie Nang, ingat ingat kayo highblood yung isa." hindi ko nalang pinansin yung pang aasar niya. tinignan ko yung mga messages ko, hindi ko kasi napansin kanina since nasa bag ko yung phone ko.

Daddy

You didn't tell me that you'll go to La Union baby.

I could've come with you.



°Daddy

It's okay. no need. I'm with friends.



i didn't want to further complicate my explanation. i'm not really mad about the engagement anymore, siguro i got tired of getting angry. anger didn't give me the outcome i wanted so it's just useless.


Twisted Fate (Twisted Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon