#62

31 3 0
                                    

"Anong drama yun?" Bulungan nila. Tinapik lang ako ni Arthale kaya nabalik ako sa huwisyo. What the hell just happened?

"Sundan mo." Bulong niya, tinaasan ko siya ng kilay pero he just eagerly nodded as if that was the best choice i could make right now.

Sundan ko?

ano naman sasabihin ko?

"Natatakot ako." I whispered, he narrowed his brows looking at me in confusion. "Bakit ka natatakot eh mahal mo yun?"

yun nga eh. Natatakot ako kasi mahal ko yun. Natatakot ako kasi baka kung anong masasakit na salita nanaman ang bitiwan niya, natatakot ako na baka tuluyan na kong sumuko.

Kasi ano ba naman ang magagawa ko? Hindi ko pwedeng ipilit ang pag mamahal ko sa taong minahal ako dati kung ngayon ay wala na talagang natira sa puso niya. I could never force love, if i'll ever do so—won't i just be the same as to those who implement arranged marriages?

"Si Dice yun. Hindi ka aanuhin nun, dali na. Nasa 3rd floor, 2 rooms mula sa kwarto ko." Tinulak niya na ko, saglit ko pa siyang tinignan. Mukha akong bata na hindi malaman kung ano ang gagawin kaya tamang sulyap lang sa nanay. pero tango lang siya ng tango. parang tanga. Ano? tatanguan ko si dethrion?

Mabagal akong umakyat sa 3rd floor, para tuloy akong nasa horror movie na dahan dahan ang pag punta sa kwarto—making sure that i'm not making a single noise.

ngunit kahit anong bagal ko ay narating ko parin ang kwartong pupuntahan ko. Nandito na ko sa harap ng pinto, ano na susunod kong gagawin? kakatakot ba ko? baka i lock niya lang yung pinto.

Huminga ako ng malalim at ikinuyom ang aking kamao, it's now or never.

Kumatok ako at mabilis na binuksan ang pinto, naroon si Dice. Nakaupo sa gilid ng kaniyang kama—sa tabi ng side table. Nakapatong ang mga siko niya sa mag kabilang binti at nakatakip ang mga kamay sa kaniyang mukha.

Ganoon na nga lang ata kalakas ang pakiramdam niya dahil mabilis siyang nag angat ng tingin sa akin. Salubong na salubong ang kilay niya, hindi ko masabing galit pero parang ganoon na nga.

"What are you doing here?" Inis na tanong niya. pumasok ako sa loob at sinarado ang pinto, ngunit hindi ako lumapit sa kinaroroonan niya. I just leaned on the door, standing far away from him.

"Are you okay?" I asked. Hindi ko alam kung tama bang itanong ko yun, kung tama bang sa akin manggaling yun.

"What do you want, Elouise?" Singhal niya, napahilamos sa kaniyang mukha. Halatang ayaw niya kong makita, ayaw niya sa presensya ko.

"Ikaw, Dice." Sabi ko, seryosong seryoso. He looked at me, not expecting that those words would come out from my mouth. "Ikaw ang gusto ko." Mariin kong sabi.

He scoffed, couldn't believe that i would actually say that. "Seriously? after all the things the you did?" Natatawang aniya,  scorning my words.

"Dice naman.. Ginawa ko yun para sayo." Nagmamakaawa ang tono ko, sana maintindihan niya yon.

"Para sakin?"

I took a deep breath, trying to keep my emotions from riling up. "days before you came to our house.. frion called me."

Twisted Fate (Twisted Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon