#66

43 3 0
                                    


"Dice, wake up." Mahina kong tinapik ang balikat niya.

Nandito na kami sa tapat ng address na binigay ni Neobe. I couldn't ask Dice because he fell asleep as soon as i sat on the driver's seat. Nasira ang phone niya, hindi kinaya ang tagal ng oras na nababasa ito kaya si Neobe nalang ang paraan para malaman ko kung saan nakatira si Isaac.

The ride almost took an hour. Hindi naman ganoon kalayo from Bulacan to Cavite pero i had to take extra care since it was raining lions and tigers.

I heard him groan. Binuksan ko ang pinto sa side ko and thankfully tumigil na ang ulan dito. I opened the door Dice was leaning on kaya medyo napaupo na siya.

Napasabunot siya sa kaniyang buhok, he looked in pain. I checked his forehead and as expected—this damn doctor has a fever, and it's very high at that!

"Come on, let's go. Give me your keys." Hinila ko siya palabas ng kotse. Hinayaan ko nalang mahulog sa lapag ang mga twalya, I roughly closed the car door with my foot.

Hirap na hirap akong inalalayan siya at binuksan ang pinto sa kaniyang bahay. Wala na akong oras para pag masdan ang itsura ng bahay niya mula sa labas dahil bigat na bigat na ako.

Hindi naiiba ang design ng bahay niya rito roon sa loft niya dati. Variety of white, black and gray. Walang ibang tao, mag isa lang siya sa napakalaking bahay na ito.

Inihiga ko siya sa kaniyang sofa, mumbling some apologies because his couch got wet. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng towel dito kaya tumakbo ako pabalik sa kotse para kumuha ng spare towels.

I sat him up, half asleep. I quickly wiped his hair and face. Tinanggal ko ang necktie niya at inilapag iyon sa coffee table, after that I asked for all the Goddesses' blessing before unbuttoning his clothes.

Mabigat ang puting polo niya dahil basang basa na iyon. I headed towards the sink so i could squeeze some of the water out and damn i could fill up one whole cup with the water it soaked up.

Bumalik ako sa kaniya at naiilang na pinunasan ang upper body niya. Tangina. Walang kupas. Ayun parin ang abs niya na may kakayahang makapagpalaway ng kahit sinong makakakita.

Napalunok ako nang iyong parte na ang pinupunasan ko, Lord sorry po! Hindi po ako lalayo sa tukso ngayong gabi!

After that, hindi ko na maitutuloy ang pag punas. Kasalanan na ang lumagpas sa parteng iyon. Matinding kasalanan.

"Dice." Tawag ko, dumilat naman siya kahit papaano.

"Maligo ka muna sa taas, mag palit ka ng damit." ani ko. tumango siya at tumayo, wala sa sariling umakyat sa taas. Sinundan ko siya to make sure na sa cr ang diretso niya, pero mukhang alam naman niya ang ginagawa kaya bumaba na ako.

I took another towel and dried myself this time. Hindi naman ako masyadong nabasa, madumi nga lang ang bandang pwitan ko dahil napasalampak ako sa lapag kanina. I groaned at sinubukang pagpagin ang dumi ngunit may bakas parin ng putik.

Pumunta ako sa kotse at kinuha ang extra na damit ko. Iyon ang nakasanayan ko simula mag kolehiyo, hinding hindi ako mawawalan ng extrang damit sa trunk ng kahit anong kotse na pagmamayari ko.

Nag hanap ako ng CR sa first floor, and gladly mayroon nga. Malapit sa kitchen area. I took a quick bath, buti nalang may basic essentials naman roon.

I wore a black striped halter jumpsuit ending just above my ankles. Tinuyo ko na sa loob ng CR ang buhok ko at inilagay ang pinagbihisan sa lalagyan nung extrang damit ko kanina.

Twisted Fate (Twisted Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon