#37

38 3 0
                                    


"Mauuna na ko." Paalam ko nang makabalik na ang magkapatid sa living room.

"Sumabay ka na sakin. ihahatid na kita." Nagulat ako nang sabihin ni Ashton iyon, maging si Isaac ay pinag taasan siya ng kilay.

Naalala ko nanaman ang mga salitang binitawan niya sakin kanina, yung mga masasakit pero totoong salita.

may binulong si Dice sa kaniyang kuya, tumango lang ito at biglang nag paalam. Ang sabi niya isasabay niya ko? change of heart bigla?

"Sama na ko kay Ashton," Mahinang ani ko at lalabas na rin sana kung hindi lang niya ko hinawakan sa braso at hinatak muli papalapit sa kaniya.

"You're going to leave me here?" Malambing na aniya habang hinahawi ang mga hibla ng buhok na nasa mukha ko.

damnit Dice! hindi ko keri ang panglalandi ngayon! kakaiyak ko lang! baka mabaliw na ako nito at makalimutan ko nanaman na may problema tayo!

"A-andami kasing nangyari ngayon..b-baka gusto mong magpahinga ganon, mag papahinga nalang din ako sa bahay.." Nakatingin lang ako sa dibdib niya, nahihiyang tingalain ang mga mata dahil alam kong bakas sa mukha ko ang kilig at hiya. Amoy na amoy ko ang pabango niya, halos madikit na ang ilong ko sa dibdib niya dahil sa lapit. Kung tumingala ako ay baka mag dikit na ang mga mukha namin.

"You can rest here then."

"S-sa bahay nalang.."

"Then am i going to spend Valentine's alone?" He pointed at the food i brought on the kitchen isle so I glanced at it, then his face with his brows furrowed, his lips slightly-slightly pouting.


minsan lang manlambing ito, wrong timing pa!

"Pano pa tayo mag c-celebrate eh maga na mata ko?" I frowned, pointing at my swollen eyes. He chuckled and cuffed my cheeks with both his hands, making me frown even more.

"That's why we're going to replace all the tears with tons of smiles." Pinilit niyang pangitiin ang labi ko gamit ang mga hinlalaki niya. kumunot ang noo ko at pinalo ang kaniyang braso, nakasimangot siyang pinanood na humalakhak. mapang asar!


Wala na akong magawa dahil wala akong laban kapag nanlambing na siya. I know that he's doing this for me para mapasaya ako, that's how good of a person he is.

nagpaalam siyang mag papalit ng damit para raw kunwari ay sa labas kami mag d-date. Inayos ko ang mga pagkain sa kaniyang itim na dinner table na hugis square. Dalawa lang ang upuan, halatang madalang lang siyang tumanggap ng bisita.


Ang mga puting plato naman ay sakto lang para sa 5 putahe na ipinahanda ko, at ang dalawang platong gagamitin namin. Nilapag ko ang Triple Chocolate cheesecake sa gitna at ang isang bote naman ng vodka sa tabi.


Mabuti nalang at nagdala ako ng alcohol dahil pag bukas ko ng kaniyang ref ay puro juice ang tumumbad sa akin. bawat layer ng fridge niya ay iba't ibang flavor ng juice ang naka ayos. Tatawa na sana ako kung hindi lang siya dumating.


Nakasuot na siya ng white dress shirt na itim ang collar, nakatupi ang mga manggas hanggang siko at tumumbad naman ang Relo na niregalo ko noong pasko. napangiti ako, pormal na pormal ang ayos niya gayong sa kusina lang niya ang kaniyang destinasyon.

"Are we going to eat all of this?" Natatawang tanong niya habang pinag mamasdan ang inihanda ko.

"Edi wag mong kainin, ako kakain!" Nakasimangot kong sabi habang inilalayo sa kaniya ang mga pagkain ngunit mahina niyang tinapik ang kamay ko. tamo! namamalo pa ang gago!

Twisted Fate (Twisted Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon