#26

51 4 0
                                    


"Si Isaac?" bahagya siyang natigilan sa tanong ko. hindi inaasahan na gagamitin ko ang tunay niyang pangalan.



"Bakit mo hinahanap?" tinaasan niya ko ng kilay, parehas kaming naka hinto at nauuuna na ang ibang studyante sa amin. nasa kalagitnaan kami ng pasilyo patungo sa eroplanong sasakyan namin.



"Bakit nag tataray ka?" Pinag taasan ko rin siya ng kilay. I crossed my arms and fought is gaze, ilang segundo lang ang tinagal nang bumuntong hininga siya, hudyat ng pag suko.



"Hindi raw siya makakapunta ngayon."


natigilan ako sa sagot niya kahit na ine-expect ko na iyon. wala siya dito at ang tanging rason ay ang hindi niya pag punta. alam ko na iyon at sa totoo lang ay hindi ko na kailangan tanungin pa ngunit gusto kong masiguro. ngayong alam ko na ay hindi ko alam kung anong panlulumo ang biglang naramdaman ko.


"Lika na. mabubuhay ka ng wala yon, di mo pa jowa wag kang ano." Aniya at hinila ako sa palapulsuhan. nakasimangot naman akong sumunod. para akong nag mamaktol na bata nang umupo ako sa assigned seat ko, wala sa sarili dahil sa narinig kanina.



tokis yung lalaking yon! sabi niya pupunta siya!


napaisip ako.


wala siyang sinabing pupunta siya.


lalong sumama ang mukha ko. inuto ko ang sarili ko kaya wala akong karapatang mag tampo sa kaniya. My eyes widened when Art roughly sat beside me, almost jumping on his seat. tinignan ko siya mula ulo hanggang paa ng paulit ulit, wondering why he's there when i'm damn sure that we're not seat buddies.


"Ano nanamang mukha yan?" kunot noo niyang tanong. hindi ko siya sinagot at tinignan parin siya ng may nag tatakang itsura.


"Tabi tayo bakit? May reklamo ka Chase?"


bahagya akong tumayo upang makita ang nga nakaupo sa likod. ang layo ng mga taga Enderun, ang kapal talaga ng balat nito para makipag palit sa katabi ko eh hindi ko nga alam kung sino.


"Wag ka nang mag maktol, andito naman ako." My frown lessened when he handed me a box of Pocky, chocolate flavor. my favorite.


the f.a announced our departure, asking us to turn off all our devices. doon ko lang naalala na ime-message ko nga pala dapat di Dice. Mamaya nalang kapag nasa himpapawid na.


tahimik lang si Art sa tabi ko, i looked at him and he's sleeping in a very uncomfortable position. his arms were crossed and he was sitting with a straight posture. tinapik ko ang balikat niya at dinilat niya ang isa niyang mata para tignan ako.


i tapped my shoulder, agad naman niyang nakuha iyon at parang bata na tuwang tuwa habang inaayos ang pwesto niya at sumandal sa balikat ko para matulog.


wala na akong ibang makita kung hindi ang kapatagan ng mga malalambot na ulap. kulay kahel na may bakas ng dilaw ang kulay ng langit, hindi ko man makita ang papalubog na araw ay ramdam ko ito.


I can't help but remember the time we reached the mountain top together, panting, catching our breaths. all of that hard work paid off once we saw the sunrise.


I sighed at the sudden reminiscing, reminding me again that Dice won't come.


tuluyan nang lumubog ang araw nang mag touchdown kami sa Mactan Airport. sinalubong ako ng malamig na simoy ng Cebu. Tinignan ko ang phone ko at walang text kahit isa. matamlay kong sinundan si Art palabas ng airport habang bitbit ang bag naming dalawa.


Twisted Fate (Twisted Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon