#52

36 3 0
                                    


"Anong alam ko?" Kinakabahan kong tanong.

"A few months after you disappeared..n-no. I think it was a year after you were gone.." Paputol putol na kwento niya. Lalo naman akong kinabahan kasi ayaw niya pang isang bagsakan nalang na sabihin sa akin. Pa kaba pa ang kumag.

"We just found out na.."

"Na ano?"

"Na.."

Nakng ewan cliff hanger pa tong bwisit na to!

"Ano nga? sabihin mo o ibabato ko sayo tong hawak kong baso?" Naiinis na pag babanta ko, itinaas niya ang dalawang kamay niya at umiling iling.

"Nalaman ko nalang kay Ate na hindi na mommy mo ang director ng Lazuli Jewels." Mabilis na sagot niya. Hindi ko man naibato iyon sa kaniya ay nabitawan ko naman iyon dahil sa gulat, kaya nabasag. Sumenyas si Arthalesa staff para may mag linis non at matanggal agad ang mga bubog.

"w-what?" Kunot noong hindi makapaniwalang tanong ko. Paanong nangyaring hindi na si Mommy ang may ari ng kumpanya e siya ang tagapagmana ni lolo? Siya lang naman ang anak ni Don Nicholas Terran Lazuli. Siya lang ang nag iisang anak ng lolo ko.

"Hindi ko na naitanong kay Ate kung sino ang pumalit sa mommy mo... Hindi ko na rin alam kung nasaan ang parents mo ngayon." Para akong mahuhulog sa kinauupuan ko. What the hell? totoo ba lahat ng sinasabi niya? hindi niya ba ko jino-joke time?

"Sa mansyon? wala?" Nag kibit balikat siya. Hindi na ako umangal, wala naman ako sa mansyon kaya wala na siyang rason para pumunta roon.

In the end we didn't get to finish all the food. Sinubukan kong utuin si Arthale na libre na lahat yon dahil siya naman ang may ari pero..

"Hindi mo na ko mahal." Ngumuso ako.


"Mukha mo, lulugiin mo pa negosyo ko." Natatawang aniya habang kinuha ang card ko sa aking kamay at binigay sa counter.

Kumuha ako ng papel at kinuha ang pen na nakasabit sa pocket ng pearl tassel coat ko. Hindi ako nawawalan ng ballpen dahil lagi kong kailangan yon kahit saan man ako mag punta. Sinulat ko sa maliit na papel ang address nung bahay namin at ibinigay ko iyon kay Art na kunot noong tinanggal iyon.

"Hanggang kailan ka rito?" Tanong ko.

"Ikaw? Hanggang kailan ka rito?" He asked back.

"I'll stay here for 2 to 3 months, siguro." I shrugged, not sure. depende kung kailan magiging maayos yung ipapatayong terminal.

"Edi ayun. Bakit ako aalis eh nandito ka." Kinindatan niya ko. I rolled my eyes and snickered, tumatanda na't lahat ay chickboy parin. chickboy ngang talaga.

"Ewan ko sayo. I free mo schedule mo, pag sinabi kong pumunta ka sa bahay bukas pupunta ka. naiintindihan mo?" Dinuro ko siya, nag uutos ang aking tono.

"Opo madam!" Natatawang sagot niya. nag paalam na ko, hinatid niya pa ko hanggang sa kotse akala niya naman mawawala ako.

"Bukas madam! text mo lang ako kung anong oras lilipad agad ako!" Tinarayan ko lang siya at kumaway na.

"Do you still have the address of my family's mansion?" Tanong ko sa driver namin. "Ye, SangMoo-Nim. should we head there?" Tumango lang ako bilang tugon at idinial ang number ni Lei.

Twisted Fate (Twisted Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon