#20

53 3 0
                                    


a friend.

oo nga naman.


we're no more than friends..


friend pero nag d date? parang tanga lang!


matalim ang tingin ko sa kalsada habang patuloy na nakikipag usap ang friend ko sa babae sa kabilang linya.



"What? i told you i'm out. I can do that when i comeback."



"fine. i'll text you when i'm almost there." medyo nagulat ako sa huling sinabi niya bago ibaba ang tawag. so pupuntahan namin si Selena? gaano ba kaimportante yun at dadayo pa kami sa kanila?


"c-can we--"


"Okay." di ko na siya pinatapos. may tainga naman ako. hindi niya na kailangang ulitin pa ang narinig ko. nilagay niya ang phone niya sa holder para alam ko ang dadaanan papunta kila Selena.


tahimik parin ang byahe ngunit ngayon ay gising na siya. hindi ko siya tinitignan, tinutuon ko nalang ang atensyon ko sa pag mamaneho habang mahigpit ang hawak sa manibela. hindi ko alam pero parang labag talaga sa kalooban kong gawin ito.


a phone call for Dice broke the silence between us. hindi ko na tinignan at wala na akong balak tignan kung galing kanino yun. for sure it's Selena again. okay. call buddies.


"what?" lalong tumalim ang tingin ko sa kalsada.


[Si Ria?] nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Art. ni-loud speaker pala ni Dice at binalik na sa holder yung phone niya.



"Bakit?" medyo mapait kong tanong. wala ako sa mood na makipag kulitan, huling pag uusap din naman namin ay nag sigawan kami duon sa Batangas.


[You owe me big-time woman.] seryoso niyang sabi, kumunot ang noo ko at nag taka. ano nanaman ba nangyari?



"Bakit?"


[tinawagan nanaman ako ng daddy mo!]


wow call mates sila ni Daddy. eh ang alam ko mas malapit siya kay Mommy noon.


[Hindi raw ma contact yung phone mo! nag aalburuto mommy mo dahil fiancee mo ata ang pinatawag niya!]


bigla kong naapakan yung pedal, causing for the car to stop abruptly. buti nalang ay nasa express way kami at gabi na kaya walang masyadong sasakyan. huminga ako ng malalim at ginilid muna ang kotse, bakas parin ang gulat sa mukha ni Dice dahil sa nangyari pero binaliwala ko muna iyon.


"Fuck." i cursed under my breath. I'm dead. hindi ko ine expect na gagawin niya yun. I'm fine with Ashton pero hindi kay mommy.



"a-ano sinabi mo?" tanong ko. sigurado akong may excuse na, na binigay si Art sa kanila. bago pa man siya tumawag ay sigurado akong nasolusyunan niya na ito.



[Sabi ko tanga ka! nahulog mo cellphone mo sa pool kaya di ka ma contact. naniwala naman sila.]



para akong binunutan ng tinik sa dibdib dahil sa sinabi niya. hulog talaga ng langit itong kaibigan ko kahit demonyo minsan. apaka galing pag dating sa mga kalokohan!



"thanks. Love you Art." i knew that he'll be there to come and save me everytime. he always did that for the past years we've been together. dapat ata ay mag rent ako ng isang buong club na free sa girls at siya lang ang lalaki.


Twisted Fate (Twisted Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon