#39

27 3 0
                                    


Hindi ko mapigilang matawa sa gitna ng seryosong sinagot niya.

"Kanina ka pa! do you really want to be called kuya that much?!" Natatawa at nang aasar na tanong ko, bakas sa mukha niya ang pagkapikon.

"Tss." He scowled.


"So ano nga kasi? business partner ka ba ng family ko? Classmate ba kita nung highschool o kaya elementary?" pangungulit ko, hindi naman kasi siya mukhang masamang tao. Sa gwapo niyang iyan? Sa mukhang yan na kayang higitan yung kagwapuhang pinag mamalaki ni Arthale? tss. I doubt!


"No." Pabagsak akong sumandal sa car seat, mas mahirap pa tong kausap kaysa nung una kong nakilala si Dice!


"Eh ano nga?" Nauubusan na ako ng pasensya sa lalaking ito! may saltik ata sa utak!


"We're here, sir." Hindi na siya sumagot dahil nag salita na yung driver niya. tumunghaw ako sa labas at tama nga, nasa tapat na kami ng condo. Bumaba na ako ng kotse at mag papa alam na sana kaso pati si Asher ay bumaba.


"Bat ka bumaba?"


"I'm taking you to your room." Diretsong aniya at nag lakad papunta sa akin.


"Stalker ka ba talaga? gusto mo lang malaman yung unit ko no?!" Pambibintang ko ngunit ayun nanaman ang nandidiring ekspresyon sa kaniyang mukha. Wow!

Sumimangot ako at inunahan na lang siya papasok, nakasunod lang siya sa likod ko at nakapamulsa. kaunti na lang ang tao sa lobby dahil gabi na pero lahat iyon ay naagaw ang atensyon dahil sa nakasunod sa akin.

Hinahanap ko ang susi sa bag ko nang maramdaman ko ang pag tigil ni Asher kaya nag tatakha akong nilingon siya. Blanko ang ekspresyon niya ngunit hindi sa akin ang tingin,


sinundan ko ang tinitignan niya at gulat kong tinignan si Daddy, na nakatingin na rin samin.


"Daddy? Bakit?" Agad akong lumapit at humalik sa pisngi niya. I could tell that he was taken aback. hindi rin siya sa akin nakatingin.


papalit palit ang tingin ko kay Asher at Daddy, na mukhang ganoon na nga lang ang gulat makita ang isa't isa.


"It's been a while." Pang babasag sa katahimikan ni Asher. So mag kakilala nga sila? Business partner?

napatampal ako sa noo ko. kung ano anong sinabi ko sakaniya kanina! pano kung mag tanim ng galit yan at ibuntong yun sa kumpanya! bobo!

"Y-You grew up to be a very fine man." Tipid na ngiti ang binigay ni Daddy. Tango lang ang isinagot ni Asher sa kaniya.

"Why are you here? does Adrastella know about this?" Tanong ni daddy. Nag salubong ang kilay ko at nilingon muli si Asher. Bakit? anong meron sa kaniya at kailangan malaman ni mommy?

"No, Tito. I'll be on my way." Iyon lang at tinalikuran niya na kami. Sakto namang nabuksan ko na ang unit ko kaya pumasok na kami ni Daddy, mukhang wala parin siya sa sarili.

"Who's that, dad?" Kuryosong tanong ko.

"Do you know him?"


"Well, yes. he's Asher."

"Since when have you known him?" Napaisip ako. Considered ba yung nasa vigan? oh kanina ko lang siya nakilala dahil kanina niya lang binigay yung pangalan niya?

Twisted Fate (Twisted Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon