#38

39 4 0
                                    


"Congratulations, Ms. Chase." Tipid ang ngiti ko.


Ngayong araw ay inanunsyo ang Ranking at hindi na ako nagulat na ako ang magiging Summa Cumlaude ng batch namin. Ofcourse i wouldn't be surprised because that was my goal from the very start and I just aimed for it.


Hindi ako nagulat ngunit hindi ko rin magawang maging masaya. Akala ko ay nakalimutan ko na ang lahat ng problema ngunit oras na matapos ang araw kahapon na kasama si Dice ay para na muli akong pinag bagsakan ng langit at lupa.


I thought that the happiness he brought yesterday was long lasting... Tila mas matimbang parin ang bigat ng problema na kailangan kong harapin.


"Omg! I knew you could do it Anagirl! i'm so proud of you!" Mahigpit na yumakap si Amber sa akin at nag tatalon sa tuwa. She looks way more happier than me when i'm the one graduating with flying colors.


"Thanks." Ngumiti ako at sinuklian ang kaniyang yakap.


Our class lasted till the end of Febuary, actually kaya may batch ranking na ay dahil January palang inaayos na ang mga grado ng graduating students. formality na lamang ang naging klase namin mula pebrero.


Blanko akong nakatitig sa aking Lockscreen, 4:30 p.m; March 10.

mag iisang buwan na simula nang malaman kong magkapatid ang boyfriend at fiancee ko. Nasa akin ang pagdedesisyon at simula noong Febuary 14th ay hindi nila ako ginugulo tungkol doon. they didn't pressure me dahil alam nilang hindi nawawala sa isip ko ang kailangang gawin.


ngunit hindi ko lang alam kung paano nga ba iyon gagawin.


Ininom ko ang Tequila sa aking shotglass, agad na nanuot ang pait nuon kaya naman kumuha ako ng isang slice ng lemon at sinipsip iyon.


Huwebes lang ngayon kaya walang masyadong tao rito sa Moonshine pub. Dinayo ko pa ang pasig kahit na dapat ay nasa Uni ako para sa practice ng Graduation Rites.



mag isa lang akong umiinom ngayon, gusto ko lang ng tahimik na lugar. Ayoko namang tawagan si Arthale dahil wala ako sa mood para makinig sa mga kuda niya, Hindi ko naman magawang abalahin si Dice dahil kung tatanungin niya ako kung ano ang gusto kong gawin ay wala parin akong maisasagot ngayon.


Natawa ako sa sarili ko,


Summa Cumlaude pero hindi magawang makapagisip kung anong gagawin?


I scoffed at my own stupidity. Gulping another shot, ramdam kong kanina pa ako gustong tanungin nung nag b-bar tending dahil sa pasulyap sulyap nito sa akin at sa mga iniinom ko.


Ngunit kahit gaano yata karami ang inumin ko ay hindi ako malasing lasing.


nagawa ko naman yun dati ah? nakailan ba ko nun? 13? 14?


tinignan ko ang mga baso sa harap ko, sa tingin ko ay aabot na ng kinse iyon ngunit heto ako, matinong matino.

"Ma'am are you okay?" Finally, the bar tender asked. Nag angat ako ng tingin at bakas na talaga ang pag aalala sa itsura niya. no, i'm not okay.


"Don't worry sir, I'm fine." Ngiti ko. Namangha siya marahil pormal pa ang pagkakasabi ko, halatang hindi parin tinatamaan ng kalasingan.

Tumuloy lang ako sa pag inom hanggang sa mapansin kong gabi na pala sa labas. Tinignan ko ang phone ko at 9:48 pm na. Sobrang tagal ko nang nakaupo dito pero hindi ko parin nakukuha ang kalasingan na gusto ko.

Twisted Fate (Twisted Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon