#17

53 5 0
                                    


"De-thrion, Dethr-ion, Deth-rion." paulit ulit kong bulong sa pangalan niya, emphasizing different syllables. nasa kotse na ulit kami ngayon at nag dr drive na papunta sa aming first destination— Batangas!


"Yes, yes." i could hear him sigh between his words, i chuckled and curled myself up in my seat. sumandal ako sa bintana at hinigpitan ang hawak sa kumot para hindi malaglag sakin, pinag masdan ko muna ang labas bago ako tuluyang nakatulog.


pagod kong idinilat ang mga mata ko, hindi na kami umaandar pero naka on parin yung engine ng kotse. tumingin ako sa labas at nasa parking kami, mukhang nakarating na kami sa tutuluyan namin.


lumingon ako kay Dice, naka patong ang dalawang kamay niya sa dashboard, resting his head on his arms. inaantay niya nanaman ba akong magising?


"Dice." Tapik ko habang humihikab pa. Hindi ba to marunong mang gising! mukhang nakatulog rin siya dahil bakas sa mukha niya yun. he gave me a small smile before turning the engine off.


nauna na akong lumabas ng kotse at nag stretching, antagal ko rin naka upo. ramdam na ramdam ko na yung lamig dahil nasa Batangas na kami, nag sisisi na talaga akong nag shorts ako.


nilingon ko ang paligid at sa tabi nitong Parking Lot, nakikita ko ang likod ng mga bahay, villa hotel siguro ito.


"Let's go?" lumingon ako at natawa sa itsura niya ngayon. suot niya yung back pack niya sa kaliwang balikat at yung backpack ko naman sa kanan. hawak naman niya yung travel bags namin sa mag kabilang kamay.


"Pwede ka na mag trabaho rito." tumatawa kong kinuha yung mga bag ko. pumasok na kami sa hotel at hinayaan si Dice na makipag usap doon sa information desk. simple lang yung hotel, pero elegante parin.


inakyat namin yung villa sa may pinaka taas, teka ito ata yung pinaka malaki ah? Pansin ko kasi na habang pataas ng pataas ay palaki ng palaki ang espasyo ng mga bahay,


"ang gastos mo naman! dapat kumuha ka nalang ng mas murang room!" panenermon ko pero hindi na siya nakapag salita dahil binuksan niya na yung lodge namin.


Malaki yung villa, may dalawang kwarto, kusina at living room. pagkapasok na pagkapasok ay binitawan ko na yung mga bag ko at tumakbo papunta sa glass door. lumabas ako roon at tinanaw ang view mula sa veranda. nakikita ko pababa ang iba pang cottage at sa hindi kalayuan ay nakikita ko rin ang dagat. hindi ko namalayang nakasandal na sa tabi ko si Dice at inabutan ako ng blanket.



"Ang ganda." I gasped, mesmerized by the view and the starry night sky. i couldn't care less about the cold, the excitement was overlapping it. i could stare at this view for long and i won't even get tired of it.


"You like it?" he asked, turning around so he could also face the scenery. Pareho kaming napatitig sa buwan na nasa ibabaw ng dagat. Iyon ang nagsisilbing liwanag nito, Tila kumikinang ang karagatan dahil sa liwanag na binibigay ng munting buwan.


"Yes! very much." i didn't hide my grin. I'm genuinely happy right now and i have no reason at all to hide it.


"That's good then." he muttered. nilingon ko siya at ngumiti, i hope he knows how thankful i am for this. he gave me a small smile and ruffled my hair before walking back inside.


"Let's sleep. you can look at them as much as you want tomorrow." sumunod na ako sa kaniya at pumasok na sa isang kwarto. i opened the lights and the room was pure white, it gave off a minimalistic vibe. nilapag ko ang mga gamit ko sa tabi at humiga na sa kama. hindi na ko nag palit at nakatulog na agad.


Twisted Fate (Twisted Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon