#61

32 3 0
                                    


"Marriage first dongsaeng, arrasseo?" Sumimangot ako sa habilin ni kuya, kakabalik lang namin dito sa Bulacan galing Leyte.

Ayaw pa nga kami pauwiin ni Seclisse, hindi niya pa raw kasi kami nalilibot sa buong Leyte. Mabuti nalang ay nandiyan si Mommy para i comfort siya noong mahatid na niya kami sa Ormoc Airport.

Dumaan lang ako rito sa bahay para maligo at mag palit. Close friends lang naman daw ang naroon kaya simple lang ang isinuot ko. Off shoulder knitted sweater at pale pink na leather skirt.

pink na mini bag pack ang dala ko at doon ko nilagay ang isang sleepwear at pang palit ko kinabukasan.

"Kuya, don't forget your meds. i'll call you." Mariing bilin ko, tumango lang siya na para bang pagod na pagod na sa pakikinig sa boses ko. I turned to Minji, i didn't have to say anything dahil tumango na agad siya.

I drove my self to Quezon City. Sabi ni Art ay naroon na raw silang lahat, most of them ay kilala ko naman daw lalo na ang mga mag oovernight.

6:15 PM na, kanina pang alas tres nag simula ang party. Supposedly ay saktong lunch time kami by byahe pauwi kaso may nakita kaming souvenir shop. Roon kami nag tagal, gusto kasing bilhan ni kuya ng bahalina or coconut wine si tito Ares. nakwento kasi ni Seclisse na iyon raw ang must have dito sa Leyte.

Ayun tuloy at kung saan saan pa kami napadayo makahanap lang ng Coconut wine. Hindi ko iyon pinahawak sa kaniya, I held on to it until we got back, saka ko ibinigay kay Minji. Mahirap na, baka macurious siya sa lasa at bigla niyang tikman iyon.

Minsan pa naman ay mahina sa tukso iyong kapatid kong iyon.

Pinark ko ang kotse ko sa loob mismo, batas ako eh. Roon ako sa Garahe ni Art nag park, sa tabi mismo ng kotse niya. Bumaba ako at huminga ng malalim. Rinig na rinig ko ang maingay na tugutugan hanggang dito sa labas.

Pumasok ako at ayun nga, gulo gulo na sa loob. Maraming nag sasayawan at nakakahilo ang ilaw. Nagmistulang night club ang bahay ni Arthale.

May ibang napapatingin sa akin, pero most of them were too busy dancing. Sa bar counter ko nakita si Arthale, kinakausap ang staff. Tumakbo ako papunta sa likod niya at tinusok ang tagiliran niya.

"Aray!" He hissed, babatukan niya na sana ko pero naka ilag ako—joke hindi pala. Hindi ako ready sa pag atake ng isa pa niyang kamay at in the end ay nabatukan parin ako ng mokong.

"Antagal tagal mo! sabi ko 3. Hindi 3x2 timang!" Pinaningkitan ko siya ng mata at tinarayan. Atleast andito na ko, kakagaling ko lang sa byahe no. duh.

Iniwan ko na siya roon bago niya pa ako mabungangaan ng tuluyan. Umakyat ako sa 3rd floor kung saan off limits ang mga bisita, pumasok ako sa pinaka dulo kung saan naroon ang kwarto ni Arthale. May bag na ng babae roon pero hindi ko nalang pinansin, baka sa chicks niya. Doon ko binaba ang bagpack ko bago bumalik sa party area.

Halos puro mga taga Enderun ang naroon, i wasn't familiar to most of them. Dukot nalang ako ng dukot ng champagne glass sa tuwing may madadaanan ako.

"El! Buti nakarating ka!" Nag liwanag ang mukha ko nang marinig ko ang boses ni Neobe Angelique. sa wakas ay may kakilala na ko!

"Uy! Kanina ko pa kayo hinahanap. Ako lang ata hindi taga Enderun dito!" Natatawang tanong ko habang tumitingin sa paligid.

"Yeah, pansin ko nga puro taga Enderun pero may isang girl na dinala si Ryce kanina! I'm sure na hindi yun taga Enderun kasi hindi pa ko nakakakita nang ganung kagandang face." I suddenly felt curious. parang gusto ko tuloy isa isahin ang mga bisita ni Arthale at hanapin iyong mystery girl na dinala niya pero masyadong maraming tao para makita ko yon.

Twisted Fate (Twisted Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon