#64

26 3 0
                                    


I woke up, alone in a huge bed. I scanned the room and even slightly got up to glance at the shower if it was occupied—but it was not.

Maayos ang kama maliban sa parte na pinag higaan ko, I got up and made the bed. Nag mumog ako at naligo, changing to the clothes i brought with me.

Hanggang sa pag labas ko ng bathroom ay wala talagang tao. Wala ring ibang gamit maliban sa bagpack ko.

Nag tataka akong bumaba at dumiretso sa kitchen counter kung saan nag mumula ang ingay, naroon na silang lahat. masayang nag hahanda ng agahan, ngunit kulang ng isa.

"Morning madam!" Masayang bati ni Art.

"Si Dice?" Diretsang tanong ko, sumulyap pa ako sa living room ngunit wala talaga siya. "Good morning din sayo Elouise." Natatawang ani ni Isaiah.

"Maagang umalis si Doc, may scheduled operation siya ng 8:30, kaya 5 AM palang ay nag paalam na siya." Kumunot ang noo ko, isang araw lang day-off niya?

"Nag almusal ba siya?" Takhang tanong ko. Sapat ba ang naging tulog niya? Anong oras na kami natulog kagabi, kung alam ko lang na may trabaho siya ay hindi ko na sana siya ginulo.

"Sabi ko sakaniya mag tinapay siya kaso kailangan niya pang aralin yung patient records." Sagot ni Neobe, napanguso ako. Hindi niya man lang ako ginising. Para akong ka one night stand na tinakasan kinaumagahan.

Hindi na ko sumagot at kumain nalang ng agahan na inihanda nila. Siyempe masarap yun kasi si Art ang nag luto. Kung hindi masarap to ay baka ako pa mismo ang mag pasara ng mga resto niya.

"Ano nga pala nangyari kahapon?" Binasag ni Aidoneus ang katahimikan. Nag angat ako ng tingin para makita kung sino ang tinanong niya, only to find out that all of them are already staring at me. ako ba?

"Sabi ni Ryce kakausapin mo si Dice, pero di ka na lumabas sa kwarto niya," Nag tatakha na rin si Isaiah. Napalunok ako, dahil sa mga titig nila.

"Anong klaseng talk ba ginawa niyo ni Dr. Fuentez?" Roon na hindi napigilan ni Art ang pag tawa sa tanong ni Neobe. Nasamid naman ako sa kinakain kong kanin. What the hell!

"Nag usap lang kami."

"Tungkol saan?"

"Samin.." pahina ng pahina ang sagot ko dahil nahihiya na ko sa mga titig nila. Para tuloy akong may krimeng ginawa dahil sa mga tanungan nila.

"Bati na kayo?" Tinignan ko si Art at nag kibit balikat. Siguro okay na nga kami, pero hindi kami. We've talked about our problems but not our relationship.

"Anong--" Nag kibit balikat rin siya at tinaasan ako ng kilay.

"Oo okay na kami."

"Gulo mo kausap." Asik niya, i stuck my tongue out and continued my breakfast. Marami pa silang naging tanungan, dinaig pa nila mga reporter sa dami ng tanong.

"Dalhan mo kaya ng lunch si doc?" Bigla ay suhestiyon ni Neobe. Hindi ko naisip na gawin yon, hindi ko naman kasi alam ang schedule niya pero heto ang head nurse ng cardio kaya mukhang tadhana talagang gawin ko yon.

"Mga anong oras ba matatapos yung surgery niya?" Tanong ko naman. Humagikhik sila na mukhang kinikilig. Kumunot ang noo ko, kinikilig na sila ron?

"break niya ng 12:30, hanggang 2:30 ngayon kasi nag pa resched yung isang patient." tumango tango ako, sasagot na sana ko kung hindi lang nag vibrate ang phone ko.

Twisted Fate (Twisted Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon