#31

47 3 0
                                    


"pakiulit?" inabutan ko si Arthale ng tissue at pinunasan ang table na nabugahan niya ng orange juice.


sumunod kami ni Dice sa grupo nila Art sa Mandaue at napag pasiyahang dito nalang mag dinner, 8 p.m ang flight namin pabalik ng Manila.


humiwalay kami ng table, kaming tatlo lang para makapag usap kami ng maayos. If I want to work this out, Arthale has to be the first one to know about me and Dice.


"We're in a relationship." Si Dice na ang nag ulit, nag tiim ang bagang ni Arthale at naitulak palayo ang upuan nang ambang sasapakin na sana si Dice ngunit mabilis kong hinawakan ang braso niya para pigilan siya. Dammit, now's not the right place to be violent!


"Art, calm down." mahinahon kong sabi at iniupo siya sa katabing upuan, hinayaan ko munang mawala ang atensyon ng ibang tao sa amin bago ko siya binitawan.


kalmado lang ang itsura ni Dice habang ako naman ay nanlalamig na sa kaba at si Arthale naman ay labas na ang ugat at namumula sa galit.


"Tol naman.." halos magmakaawa ang boses ni Art, nangilid ang mga luha ko at nag iwas ng tingin. I know where this is going. napatingin ako kay Dice nang hawakan niya ang kamay ko at pisilin ito.



"Engaged na yan eh.." dinuro niya ako, you can see pain reflect on his eyes.


"Arthale.. please?" pag mamakaawa ko. His support is the one i'll be needing most right now. Wala akong planong sabihin ito kila mommy, not because of me but because of what they might do to him. Si Art lang ang malalapitan ko ngayon..


suporta lang.


ako na bahala lumaban.


"Anong plano mo Elouise? ha? Handa ka bang itakwil ng magulang mo?! handa ka bang saluhin lahat ng masasakit na salitang manggagaling sa kanila?!" Nag baba ako ng tingin, my tears dropped one by one. halos mabasa na ang table napkin na nakapatong sa hita ko dahil sa sunod sunod na pag patak ng luha.


damn Elouise,


you've been shedding too much tears these days, you've become weak. Ngayon lang ako nakaramdam ng panghihina. I was always strong, i face everything head on because my mother's advices backed me up.


ngunit anong panghahawakan ko ngayon para masabi kong kaya ko itong harapin ng direkta?


i can't think of any other choice but to be a coward, I know i'm selfish. but can't the gods just give me this one time to choose my self?


"Just until before i get married.." I sounded desperate. the words i just blurted out were made out of pure selfishness. I know that but I regret none of it,


Am i really this bad?


lumuwang ang pagkakahawak ko sa kamay ni Dice nang marealize ko kung anong maaring maging epekto noon sa kaniya. Hindi kami parehas ng pinag daraanan. sa aming dalawa, ako lang ang nakatali na sa iba, he has all the freedom to love all he wants but here i am, binding him with me.


Mariin kong ipinikit ang mga mata ko nang habulin ni Dice ang kamay ko at pinulupot ito sa kaniya. My tears were like a stream, flowing down one after another.


"Pumayag ka ron Pre? pumayag ka sa relasyon na wala pa nga eh may siguradong katapusan na agad?" Bakas sa boses niya ang hinanakit, hindi ko na mapigilang humagulgol. Mabuti nalang ay nasa bandang sulok kami ng restaurant at ang tanging mga nakakakita lamang sa amin ay iyong mga amerikanong hindi namin kilala.


Twisted Fate (Twisted Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon