"A-ate Nads, bakit sobrang sakit? Hindi ko a-alam kung ano yung pagkukulang ko at nagawa n-niya parin akong l-lokohin!" Habol hiningang anas ni Maureen habang umiiyak.
"Ipinagkatiwala ko sakanya yung nararamdaman ko. Binago ko ang sarili ko para lang magustuhan niya."
"Hindi p-pa ba sapat y-yung mga ginawa ko para m-makuntento siya saakin?" Halos pabulong na saad ni Maureen dahil sa sakit na dinadala niya ngayon.
Sakit na kailanman hindi pumasok sa isipan niya na maaari niyang maramdaman ng dahil lamang sa pag ibig.
"Ilang beses ba kitang pinagsabihan? Ilang beses ba kitang pinaalalahanan sa mga maaari mong maranasan at maramdaman pag minahal mo ang kapatid ko?"
"Ilang beses kitang binalaan na sa bandang huli, hinding hindi ka niya mamahalin? Hindi ko na makilala yung dating Maureen habang minamahal mo yung kapatid ko. Ginagawa mong kaawa awa yung sarili mo." Huminga muna ng malalim si Nadine bago magpatuloy.
"K-kinalimutan mo ako Maureen. Ginawa mo akong parang CCTV dahil lang sa pesteng nararamdaman mo sa k-kapatid ko! Ginawa mong tanga yung sarili mo!" Papaluhang saad ni Nadine kay Maureen.
"A-ate Nads so- -"
"Shut the fuck up Maureen! Shut the fuck up!! Isn't it funny that I become the never leave you kinda person to you after being left b-behind time after t-time?"
"I hope LOVE taught you this time that you can't control someone's loyalty."
"No matter how good and nice you are to them, doesn't mean they'll treat you the same. No matter how much t-they mean to you, doesn't mean they'll value the same."
"S-sometimes the people you love the most, turn out to be the people you can't trust the l-least. Always remember that."
"Go and get your shit together. Saka mo na ako lapitan pag naayos mo na yung sarili mo at nasa tamang pag iisip ka na." Anas ni Nadine kay Maureen habang nakatitig sa mga mata nitong lumuluha na puno ng sakit dahil sakanyang kapatid.
"Hayop ka talaga Christian, napapa Ingles ako dahil sa kagaguhan mo." ani ni Nadine sakanyang isipan.
"A-ate sorry." Sabi ni Maureen kay Nadine at yumuko.
Bago pa man lumabas ang soft side ni Nadine ay agad itong tumalikod at lumakad papalayo.
"Hindi ko kailangan ng sorry mo. Huwag mo din sisihin yung sarili mo dahil sa pang iiwan sa'yo ng kapatid ko. Huwag mo din isipin na may galit ako sa'yo."
"Ayusin mo yung sarili mo. Ibalik mo yung dating Maureen. Hindi mo kailangan baguhin ang sarili mo para magustuhan ka lang ng taong mahal mo. Hindi ko alam kung bakit ang tanga mo."
"Ate Nads h-hindi lang naman ako yung tanga dito eh." Nakangusong anas ni Maureen kay Nadine.
Agad namang napaharap si Nadine kay Maureen at sinusumpa na ito sakanyang isipan.
"Ugh! This ugly bitch." Nanggagalaiting bulong ni Nadine sa sarili niya bago humarap muli kay Maureen.
"Sinasabi mo rin bang tanga ako? Tch! Huwag mo akong idamay dito. Magkaiba tayo. Tanga lang ako at ikaw? SOBRANG TANGA."
"Don't you dare go near me hangga't hindi mo pa naaayos yung sarili mo. Look at yourself now, you look like a mussel with condensed milk! Ugh! Disgusting!" Nandidiring sabi nito kay Maureen.
"Galit parin ako sa'yo, stupid shit. Umuwi ka na and fix yourself. Paniguradong maraming mag aabang sa'yo bukas sa school. Pangit na nga tanga pa." Pagkatapos nito sabihin ni Nadine kay Maureen ay naglakad na ito paalis upang hindi na niya pa makita ang kaawa awang itsura ni Maureen.
Napatulala nalang si Maureen sa kinatatayuan niya pagkatapos ng pagtatagpong iyon.
Hindi niya lubos na matanggap ang mga lumabas sa bibig ni Nadine dahil hindi naman siya nito napagsasalitaan ng ganoon.
This is the first time na marinig niya ang mga ganoong salita mula sa bibig ni Nadine at para sakanya pa ang mga ito.
Nanghihina ang tuhod ni Maureen na napaupo at umiyak ng umiyak dahil mas nadagdagan pa lalo ang sakit na nararamdaman nito.
Dumoble. H-hindi, hindi ko alam. Pero sobrang sakit pag yung kaibigan mo na yung nagsalita sa'yo.
Hindi ko alam na may mas isasakit pa pala ang pang iiwan ng taong akala mo mahal ka.
Mas masakit palang pagsalitaan ka ng kaibigang tinuri mong pamilya at kapatid.
•••
"Where are you?!" Galit na sabi ni Nadine sakanyang cellphone habang nag d-drive.
"You know where I am right now. Don't tell me nagagalit ka sa mga nangyari?" Nang aasar na tinig naman ang sumagot sa kabilang linya ng cellphone ang narinig ni Nadine.
Mas binilisan nito ang pagmamaneho at ibinaba na ang tawag.
"What's up Nadine! You wanna drink?" Pambating bungad ng kaharap ni Nadine pagkakita nito dito.
Inirapan ito niya ito at hinigit ang shot glass na nasa kamay ng lalaking kaharap niya ngayon.
"The girl you left behind. Wasn't the most beautiful. Wasn't the most courageous. Wasn't the richest. She is a girl."
" A girl who knows how to love. Who knows how to be brave. Who knows how to care and share."
"She isn't a girl with a dream.
She is a girl with billion little dreams." Lumuluha na sabi ni Nadine sa lalaking kaharap niya."Why did you hurt her that bad?" Tanong nito.
"Why did you hurt her Christian?"
•••
New story is up! It-try ko pong mag explore sa ibang genre. Pangalawang story ko palang din po ito kaya pagpasensyagan niyo na kung hindi ganoon kaganda yung pagsusulat ko. ;—-(
Credits for Trent Shelton and Lakshmi Manikandan for the Quotes I used for my prologue.
BINABASA MO ANG
Breathe (ONGOING)
Ação"Never settle for being someone's option when you have the potential to be someone's ONLY." -Unknown Date Started: May 25, 2020 Date Finished: