Third Person's POV
Maagang nagising si Igie kaya naman napag pasyahan nitong mag jogging sa hagdanan ng mansyon nila Gideon at Maureen na kasalukuyang mahimbing na natutulog.
"Napaka tulog mantika talaga ng magkapatid na 'yon. Tch!" Bulong ni Igie sa sarili niya habang akyat panaog siyang tumatakbo sa hagdanan.
Lingid sa kaalaman niya na kanina pa siya pinagmamasdan ni Gideon at pinagtatawanan siya sa kanyang isipan.
Naisipan na din niyang magpakita kay Igie na tagaktak na sa pawis at bumaba na upang mag agahan.
Napahinto si Igie sa kanyang pagtakbo pataas ng mamataan niya si Gideon na nakatayo sa itaas ng hagdanan malapit sakanya.
Tila ba nawiwirdohan ang ekspresyong nakatingin dito.
"Wala ako sa mood makipag biruan sa'yo ngayon kaya kung bababa ka, bumaba ka na." Mataray na sabi ni Igie dito at hinintay na bumaba si Gideon para maipag patuloy niya ulit ang naudlot niyang pagtakbo pababa at paakyat ng hagdanan.
Nagpatuloy na sa pagbaba si Gideon at dumeretso na papuntang kusina.
Tinawag nito si Aling Jennifer na matagal nang nagsisilbi sa kanilang pamilya.
"Manang Jennifer pakihain na po ang ulam sa umagahan. Stacey, pakisabihan na din si Igie doon sa hagdanan na mag shower na para makasabay dito."
"Pakigising na din si Maureen sa kwarto niya. Maraming salamat." Sabi nito kay Aling Jennifer at Stacey na nasa magkabilaang gilid.
Yumuko ang dalawa bilang pagbibigay galang at sabay na umalis.
Nang maihain na ang pagkain na kakainin nila sa umagahan, siya namang dating ni Maureen at Igie.
Binigyan din ng dyaryo at kape ni Aling Jennifer si Gideon.
"Kamusta ang tulog mo, Mau? Nakatulog ka naman ba ng maayos?" Tanong ni Gideon sa kapatid habang nagbabasa ng dyaryo.
Inirapan naman ito ni Maureen.
"Yeah." Maikling sagot nito sa nakatatandang kapatid.
"Atsaka bakit dyaryo nanaman ang kaharap mo sa umaga? Hindi na kita nakikitang kumakain ng mga niluluto nila Manang Jennifer tuwing umaga ah? Sana pala papel nalang yung pinaluto mo, baka sakaling kainin mo at mabusog ka." Pagsagot nito kay Gideon na may halong pagka sarkasmo.
Tumingin naman ito kay Maureen ng masama.
Kasabay noon ang pag bunghalit sa tawa ni Igie.
"O-oh my gosh. HAHAHAHAHA! Sorry, I-I really can't hold my laugh right now." Sabi ni Igie sa magkapatid habang patuloy pa rin sa pagtawa.
Binaba naman ni Gideon yung newspaper na binabasa niya at pinanliitan ng mata si Igie.
"Manang Jennifer, pakikuha ang mga pagkaing malapit sakanya. Huwag niyo siyang hahayaan na makakain ng mga niluto niyo." Sabi ni Gideon habang patuloy na pinanliliitan ng mata si Igie na hindi pa rin tumitigil sa pag tawa.
BINABASA MO ANG
Breathe (ONGOING)
Action"Never settle for being someone's option when you have the potential to be someone's ONLY." -Unknown Date Started: May 25, 2020 Date Finished: