MAUREEN's POV
BANG!
Isang putok ng baril ang umalingawngaw sa aking pandinig mula dito sa cabinet na aking pinagtataguan.
Napansin ko namang tumahimik ang anim na estudyante na pilit akong pinapalabas mula sa cabinet na pinagtataguan ko para kuhanin ang papel na binigay sa akin ng men-in-black kanina.
Paano naman nila makukuha sa akin yung papel na kailangan nila kung gayong wala naman sa akin ito? Tsss. Kung lumabas ako kanina, siguro dead meat na ako ngayon.
Napagdesisyonan ko namang sumilip sa awang ng pinto ng cabinet na pinagtataguan ko at tinignan ang anim na estudyante sa labas para alamin kung bakit sila tumigil sa paghampas ng aking nagsisilbing protector.
"Ibaba niyo yung mga hawak niyong baseball bat kung gusto niyo pang makalabas ng buhay sa classroom na ito." Nabosesan ko namang si Kenji ito kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko habang nandito ako sa loob ng cabinet.
"Sino ka namang bubwit ka para sundin namin? Wala kaming balak manakit ng estudyante. Ang gusto lang namin ay ang mukha ang mga papel na nasainyo." Palaban na sagot ng estudyanteng nakita ko na bumabasag ng bintana sa kabilang classroom kay Kenji.
Napansin kong parang may kinakapa ito sa kanyang likuran at habang kinakapa niya ang kanyang likuran banda sa kanyang bewang ay tumaas ang kanyang damit at nanlalaking mga mata akong napatingin dito.
Napagtanto ko agad na isa itong baril kaya mabilis akong nag isip ng paraan para hindi kami madehado ni Kenji sa magiging labanan na ito.
"Oh! Really? Sorry pero nakuha na ng tatlong estudyanteng nakasalubong ko kanina sa hallway habang pabalik ako dito galing sa likod ng auditorium eh. Paano na yan?" Nang aasar na sabi ni Igie sa mga ito.
Huhugutin na sana ng lalaking kaharap ko ang baril na nasa kanyang likuran ng bigla kong itinulak ng malakas ang pintuan ng cabinet na pinagtataguan ko kaya napatingin ito sa direksyon ko pati ang mga kasamahan niya nang tignan ko sila isa isa.
Nakita ko sa aking paningin na tumakbo si Kenji mula sa kinaroroonan namin at gumawa na din ako ng kilos para hindi nila mapansin si Kenji.
Lumabas ako sa cabinet na aking pinagtataguan at isa isa ko silang nginitian ng malapad tila ba wala akong problemang hinaharap katulad ngayon.
Napanganga sila sa aking ginawa at ginamit ko iyong pagkakataon para bumwelo mula sa aking kinatatayuan para tuhurin sa pagkalalaki ang lalaking may baril sa likuran.
Sakto namang nakarating na si Kenji dito sa pwesto ko at sinunggaban niya agad ang isa sa mga estudyanteng nginitian ko.
Puno ng pwersa kong pinatama naman ang aking tuhod sa kanyang pagkalalaki sa lalaking may baril habang gulat siyang nakatingin sa pwesto ni Kenji at ng kasama niyang kasalukuyang binubugbog.
Matapos itong mapayuko dahil sa sakit ng pagkakatuhod ko sa kanyang pagkalalaki ay mabilis akong umikot mula sa kanyang likuran upang kuhain ang baril dito sabay sipa tagiliran ng isa niyang kasamahan na sana'y sasapakin ako sa aking mukha.
Nagpagulong gulong sa sahig ang isa nitong kagrupo na nasipa ko sa tagiliran habang hawak hawak nito ng kanyang dalawang kamay ang masakit na parte sa kanyang katawan.
Mukhang napalakas nga ang pagkakasipa ko. Tsk! Ang malas ko naman.
Binalik ko ulit ang atensyon ko sa lalaking may baril sa likuran habang may tumatakbong mga masasamang gawain sa isip ko na gusto kong gawin sa kanya ngayon din.

BINABASA MO ANG
Breathe (ONGOING)
Action"Never settle for being someone's option when you have the potential to be someone's ONLY." -Unknown Date Started: May 25, 2020 Date Finished: