MAUREEN's POV
"Sleepy head, wake up! Nandito na tayo sa university." Panggigising sa akin ni Kenji habang niyuyugyog niya ang aking balikat.
Idinilat ko ang mata ko at tinanguan siya. Tumayo na ito kaagad matapos niya akong magising mula sa mahimbing kong pagkakatulog sa tabi ng bintana at naglakad na palabas ng bus. Tumayo na din ako at sumunod sa kanya.
Manghang inilibot ko naman ang tingin ko sa aking kapaligiran nang makalabas ako ng bus na sinasakyan namin ni Kenji dahil di hamak na mas malaki ang Main Campus ng university nito than the previous university where we studied our first year college.
"Students, kindly form one line each blocks. We're going to double check your numbers kung kumpleto na ba kayo each block or not." Anunsyo ng babaeng nagngangalang Alleira Leigh Chu.
Mabilisan na bumuo ng isang linya ang mga estudyante at nagsimula na agad ang bilangan. Each line ay mayroong taong nagche-check ng mga bilang ng bawat blocks kaya mabilis din naman itong natapos at pagkuwa'y nagsalita muli si Ms.Alleira sa harapan.
"Thank you for your consideration. Alam ko namang pagod na kayong lahat ngayon kaya hindi na ako magpapaligoy ligoy pa." May inabot naman sa akin ang taong tumingin ng bilang namin kanina at may nakalagay dito na room number at floor number.
"Girl's Dormitory at West Wing and Boy's Dormitory at East Wing. Ang bawat papel na binigay sa inyo ay naglalaman ng impormasyon kung saan niyo matatagpuan yung kwarto niyo. Good night and rest well. Get ready for your orientation tomorrow afternoon. Thank you." Umalis na ito sa aming harapan kaya naman marami na din ang estudyanteng nagsialisan sa kanilang mga pila.
May biglang humawak sa aking braso kaya napatingin ako dito at napagtanto kong si Kenji ito. Nakasimangot ito ngayon sa aking harapan kaya kinunotan ko ito ng aking noo.
"Ano nanamang problema mo? Gusto ko ng magpahinga." Bumuntong hininga ito at pagkuwa'y niyakap niya ako.
"Please, give me another chance. I can't afford to lose our friendship, Mau. Let me fix it." Huminga ako ng malalim at pagkuwa'y tinapik tapik ko ang likuran niya ng mahina.
"Instead of fixing it, let's start a new one. Let's create fresh memories and forget the memories we need to forget." Kumalas na ako sa aming yakapak at nginitian ko siya ng malapad.
"Thank you, Mau. Thank you for accepting me again. I will never disappoint you, again. I will never betray you, again. I will never lie to you, again." Tumawa ako sa kanyang mga pinagsasasabi at pabiro kong binunggo ang braso niya.
"Pagod lang yan teh. Pumunta ka na sa dorm mo. Masyadong sosyal ang Main Campus ng university, each student has their own room. This is way more better than the previous one." Tumango ito sa aking sinabi at itinalikod na ako papunta sa West Wing kung nasaan ang dorm ng mga babae.
"Tama na, baka humaba nanaman yung usapan natin. Good night Mau! Let's meet here before lunch. Sabay na nating hanapin yung cafeteria dito." Muli akong humarap sa pwesto niya at pagkuwa'y tinanguan siya sa kanyang sinabi ng may ngiti sa aking labi.
"Good night din Igie! See you tomorrow after lunch." Tumalikod na ito sa aking direksyon kaya ganoon din ang ginawa ko at nilakad na ang Girl's Dormitory.
Ini-imagine ko na ngayon kung ano yung magiging itsura ng dorm ko. Ayaw ko naman taasan yung expectation ko sa dorm room ko dahil masyadong masakit sa puso pag hindi mo name-meet yung mga expectations mo.
BINABASA MO ANG
Breathe (ONGOING)
Action"Never settle for being someone's option when you have the potential to be someone's ONLY." -Unknown Date Started: May 25, 2020 Date Finished: