Third Person's POV
Maagang nagising si Maureen kinabukasan at medyo nararamdaman niya pa ang pagsakit ng ulo niya.
Isang malaking katanungan ang nangyari sakanya kagabi dahil parang makatotohanan ang lahat ng nangyari.
Iniisip niya kung paano siya nakatulog at kung ano ang ginagawa niya bago siya mahulog sa nakaka mangha at nakakalungkot na panaginip niya.
Nais niyang tanungin si Igie tungkol dito at sabihin sakanya ang lahat ng napanaginipan niya ngunit nagdadalawang isip siya dahil baka asarin lang siya nito.
Matapos magmuni muni ay kaagad na siyang bumangon sa pagkakahiga at dumeretso ng comfort room niya para gawin ang kanyang morning routine.
Samantala si Igie naman ay kagigising lang din mula sa masarap na pagkakatulog.
Agad din naman itong nagtungo sakanyang comfort room para mag sepilyo at maghilamos bago simulan ang pag e-ehersisyo.
Nang matapos siya sa kanyang mga dapat gawin ay agad siyang nagbihis at lumabas ng kuwarto niya.
Saktong paglabas niya ay ang paglabas din ni Maureen sa kabilang kwarto sa gilid niya.
"Good morning Maureen!" Malakas na bati ni Igie dito sabay ngiti ng malapad.
Tinignan naman siya ni Maureen at pagkuwa'y nginitian din siya nito.
"Good morning din Igie. Break fast muna tayo? Sasama na din ako sayo mag jogging today." Bati pabalik ni Maureen kay Igie.
Tumili naman si Igie ng malakas dahil sa tuwa.
"Really Mau?! Mabuti naman. Kyaaaaaah!!" Tili ulit ni Igie dahil sa tuwa.
Nairita naman si Maureen kay Igie dahil sa tili nito.
"Pag hindi ka tumigil d'yan sa pagtitili mo, hindi na ako sasama." Tumigil naman si Igie sa pagtili niya at tinaasan niya ng kilay si Maureen.
Tinaasan din naman ni Maureen ng kilay si Igie.
"Oh ano? May sa isang salita ako, don't dare me Kenji." Sabi ni Maureen kay Igie ng pabulong at agad na tumungo ng kusina.
Sinundan naman siya ni Igie para makisalo sa almusal.
"Maureen, araw araw kang nireregla no? Parang noong nakaraang linggo lang kakatapos mo lang tapos meron ka ulit ngayon." Mahabang litanya ni Igie habang kumukuha ng kanin sa rice cooker.
Hindi nalang sumagot si Maureen dahil gutom na gutom na ito.
"Wala kang pake. Ikaw nga walang nakakatagal sa'yong lalaki dahil sa sobrang kaharutan mo, pinakealaman ko ba buhay mo?" Sabi ni Maureen pagkatapos niyang lunukin ang kinakain niya.
Nginisian naman ito ni Igie.
"Wala ka ding pake. Bakit 'yang regla mo? Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung may supplier ba ng dugo d'yaan sa loob ng katawan mo kung bakit hindi ka nauubusan ng dugo sa regla mo, tinanong ko ba?"
"Wag mo ibahin ang topic, sagutin mo muna yung tanong ko."
"Alam mo Maureen? Napaka pangit ng ugali mo. Minsan talaga sumosobra na sa pagiging pasmado 'yang bunganga mo. Gusto mo bang hilutin ko 'yang bunganga mo? Baka kumalma kalma naman siya paminsan minsan." Pagtatanong nito kay Maureen na may halong pagka sarkasmo.
![](https://img.wattpad.com/cover/226384682-288-k153734.jpg)
BINABASA MO ANG
Breathe (ONGOING)
Action"Never settle for being someone's option when you have the potential to be someone's ONLY." -Unknown Date Started: May 25, 2020 Date Finished: