Maureen's POV
"Christian wag mo naman gawin saakin 'to oh? Mahal kita. Mahal na mahal kita!" Sigaw ko habang walang pagtigil ang agos ng aking luha.
Paulit ulit kong sinisigaw na mahal ko siya. Bawat sigaw ko ay siya namang pag hakbang niya papalayo sa kinakatayuan ko.
Sumisigaw lang ako hanggang sa mapaos ako at inaakalang babalik siya.
Minahal mo ba talaga ako, Christian? O baka ako lang pala ang nagmahal saating dalawa?
Hindi.
Hindi pwedeng ako lang ang nagmahal.
Kahit kailanma'y hindi magagawang magsinungaling ang mga mata.
Maaaring makapag sinungaling ka gamit ang bibig mo at matabas mong dila pero hinding hindi maitatago ng mga mata mo ang tunay mong nararamdaman.
Sa'yong mata makikita ang tunay na nararamdaman. Mga emosyong naglalaro na itinatago para matakpan ang tunay na nararamdaman.
Bakit?
Bakit Christian?
Sinubukan ko ulit sumigaw kahit na hindi ko na tanaw ang anino ng aking minamahal.
Dahil umaasa parin ako na babalik siya at hahagkan ako upang ikulong sakanyang bisig at sabihin na mahal parin kita Maureen para tanggalin ang sakit na aking nararamdaman.
Ngunit nakailang sigaw na ako, wala parin akong makitang anino. Hindi ko parin makita ang anino ng aking mahal.
Bulag.
Bingi.
Gusto kong magbulag bulagan at magbingi bingihan bago pa man mangyari ang pinaka ayaw kong mangyari. Ngunit tapos na.
Tapos na!
Nangyari na.
Gusto kong tumakas. Gusto kong tumakbo. Gusto kong bumalik sa nakaraan para iwasan ang pangyayaring ito! Pero paano?
Paano?
Paano ko maibabalik ang nakaraan?! Paano!
Umiikot.
Paulit ulit na umiikot.
Nakakahilo.
Para akong hinihila pababa at babalik sa umpisa kung paano tanggalin at gamutin ang sakit na iniwan at dinikit ng taong mahal dito sa puso ko.
Gusto ko ulit sumigaw.
Sumigaw na baka sakaling babalik siya kapag sumigaw ako ng paulit ulit.
Isa pa.
Isa pang ulit at kapag napagod?
Isa pa.
Isa pang ulit na baka sakaling magbago ang isipan niya at balikan niya ako para tanggalin ang sakit na iniwan niya dito sa puso ko.
"Mahal na mah- - -"
•••
Third Person's POV
"Mau gising na! Anong oras na atsaka isang buwan ka ng hindi pumapasok sa eskwelahan. May balak ka pa bang mag aral?" Gising ng nakatatanda kapatid nito sa natutulog na kapatid.
BINABASA MO ANG
Breathe (ONGOING)
Action"Never settle for being someone's option when you have the potential to be someone's ONLY." -Unknown Date Started: May 25, 2020 Date Finished: