Chapter 31

23 2 0
                                    

MAUREEN's POV


"W-We need to talk. I will explain everything to you." Pinakawalan ko ito at itinulak palayo sa aking pwesto at pagkuwa'y tumawa na puno ng pagkasarkastiko.


"Ha! Napaka kapal naman ng mukha mong magpakita pa sa akin. Hindi ka pa ba tapos sa mga pagpapanggap mo? Hindi pa ba sapat ang mga nakuha mong impormasyon mula sa akin?" Lumapit ito sa akin ng may nagmamakaawang tingin.

Akmang hahawakan sana nito ang aking kaliwang braso nang umatras ako papalayo sa kanya at nginitian siya ng mapait.


"P-Please Maureen, give me one last chance. I'm willing to betray my family basta ba't maayos lang natin yung pagkakaibiganan natin." Tinaasan ko ito ng kilay dahil sa kanyang sinabi at pagkuwa'y tumawa ng pagak.


"I doubt that, Kenji. Sinong gagong anak ang magagawang mag traydor sa pamilya niya? Wala! Huwag mo akong paandaran ng ganyang mga akto mo dahil sawa na akong magpakatanga!" Galit na sigaw ko dito.


Naramdaman kong may luhang kumawala sa aking mata dahil sa galit na nag uumapaw sa puso ko.


"I'll promise Maureen, I will tell you everything I know about my family and the university. This is a win-win situation. You will have the information you want to know while me, I'm going to fix our friendship." Bumuntong hininga ako at pinunasan ang luhang naglandas sa aking pisngi,


Friendship is a delicate as a glass, once broken it can be fixed but there will always be cracks.


Tumango sa kanyang sinabi kaya nanlalaki ang mga mata nitong tumingin sa akin sabay ngiti ng malapad.


Napatakbo siya sa kinatatayuan ko habang tumitili kaya napatawa ako dahil sa reaksyon niya tuwang nararamdaman ko sa puso ko.


Niyakap niya ako ng mahigpit pagkalapit niya sa akin kaya napayakap din ako sa kanya ng mahigpit. Humawak ako sa kanyang batok at hinimas ito ng marahan.


Napahinto ito bigla sa kanyang kinatatayuan at kumalas sa aming yakapan. Hinawakan niya ang kanyang batok na tila ba nawiwirduhan at minasahe ito.


"Anong problema Kenji? High blood ka ba kaya hinihimas mo ngayon yung batok mo? Sabi ko naman sayo eh, tigilan mo na ang pagpapanggap." Mapang asar na sabi ko sa kanya. Napatingin siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.


"Alam mo namang ayaw ko sa mga mamantikang pagkain kaya paano ako mahi-high blood? Tse!" Inismiran ko nalang ito at nagsimula ng maglakad patungo sa gate ng university.


"Hoy sandali lang! Hintayin mo naman ako Marseh!!" Malakas na sigaw nito kaya napatawa ako habang naglalakad.


Matapos ang medyo may kahabaang lakaran ay sa wakas at nakarating na din kami ng gate ng university ni Kenji.


Kasalukuyang may dalawang pila sa kaliwa at kanan nito para sa card pass na ibibigay sa amin bago makalabas ng university para sa bus na sasakyan naming mga estudyante patungong Main Campus ng university.


Matapos kong matanggap ang card pass ko mula sa men-in-black ay agad kong hinanap ang bus na para lamang sa section namin. Hindi pa man nakakalipas ang limang minuto ay kaagad ko itong nakita at nakalagay dito ang Bus #6 Room 406 BSBA Marketing.


Breathe (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon