Chapter 30

12 2 0
                                    

THIRD PERSON's POV


BANG!


"Your Death Game Exam is finally over! Kindly drop the weapons you're holding or using at your place, now. Since the time of your exam is already finished, killing your fellow students is now over. Please proceed to the Auditorium of the university for the distribution of your registration form for your second year college at our Main Campus. Congratulations passers!"

Habang naghihintay si Kenji kay Maureen sa baba ay bigla itong napaigtad mula sa kanyang kinatatayuan dahil sa putok ng baril na kanyang narinig mula sa itaas ng palapag na pinanggalingan niya.


Unti-unti itong binalot ng kaba at takot dahil sa mga kanyang naiisip na baka kung ano na ang nangyari kay Maureen mula sa itaas ng palapag.

Habang nakatingin sa taas si Kenji ay may natanaw itong isang taong nahuhulog mula sa pinaglalagyan ni Maureen kaya't nataranta ito at nanginig ang kanyang tuhod sa nakita.


"H-hindi ito p-puwedeng mangyari. H-hindi siya puwedeng mamatay!" Nahihintakutang sambit ni Kenji sa kanyang isipan.


BANG!


MAUREEN's POV


Bago pa man makalabit ng lalaking kaharap ko ang gatilyo ng baril na hawak niya na nakatutok sa akin ay ginilid ko ng mabilis ang aking katawan upang iwasan ang bala na papunta sa direksyon ko.


BANG!


Habang nakagilid ang katawan ko sa kanya, hinakbang ko ang isa kong paa at gulat siyang napatingin sa akin dahil sa pag ilag na ginawa ko.


Hinila ko ang braso niyang may hawak na baril at umikot ako sa aking kinatatayuan kasama ang braso niyang hawak hawak ko sabay hampas ng malakas sa pader na katabi naming dalawa ng kanyang braso.

Napansin ko ang panay tingin nito sa kamay niyang may hawak na baril at nakita kong medyo nakatutok ito sa aking direksyon dahil sa liit ng espasyong ginaganapan namin ng paglalaban.


Tinitigan ko ang hintuturo niyang unti-unting gumalaw na nakahawak sa gatilyo ng baril, kaya bago pa man pumutok muli ang hawak nitong baril sa aking direksyon ay itinaas ko ang kamay nito sabay untog ng malakas ng noo ko sa kanyang noo.



BANG!


"When gun fires, you must concentrate for every second on the way to that finish line." Takot ako nitong tinignan habang iniinda ang sakit ng pagkakaumpog ng noo ko sa noo niya.


Nginisian ko naman siya dahil sa ipinapakita niya sa aking ekspresyon ngayon.


Ganyan nga, matakot ka saakin hunghang.


Nakita kong papalapit na ang mga kasamahan nito sa direksyon naming dalawa kaya malakas na tinadyakan ko ito sa kanyang pusod kaya napaluhod ito habang hawak hawak ang kanyang tyan.


"You should know exactly how long it will take you to and think about every step of the race you are about to run." Sumigaw itong malakas nang hilain ko ang kanyang braso at pinilipit ito.


Breathe (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon