Mureen's POV
Nagising ako bigla sa mahimbing kong pagkakatulog at naalala kong hawak pala kami ng mga depungal na demonyo.
Inilibot ko ang paningin ko sa lugar na kinalalagyan ko. Puno ng mga computer wires ang bawat ding ding na nadadaanan ng mata ko.
Sinundan ko naman ang mga wires na ito at hindi ko na naituloy ang aking pag s-scan sa kinalalagyan ko dahil nakatali ako ng mahigpit dito sa upuan.
Anak ng tipaklong naman oh!
Mayroong dalawang long table sa magkabilang gilid ko at isang mini table naman sa harapan ko.
Meron din itong mga office chairs sa long table sa magkabilang gilid ko at mini table na nasa harapan ko.
Parang nasa isang conference room ako ng mga naglalakihang kompanya dahil sa disenyo at ayos ng bawat sulok na pinaglalagyan ko.
Hinanap ko naman si Kenji sa kapaligiran ko hangga't sa makakaya ng makikita ko ngunit wala akong nakita kahit isang bulto ng tao.
"Sobrang lamig naman dito! Balak ba nila akong gawing yelo mag isa dito?! Sana tinapon nalang nila ako sa north pole!" Pag angal ko nalang sa isipan ko.
Hangga't maaari, ayaw kong makagawa ng ingay at ayaw ko din na malaman nilang nagising na ako galing sa mahimbing na pagkakatulog.
Maya maya pa ay may narinig ako na bumukas na pinto sa aking likuran. Gustuhin ko man makita ito ay hindi ko magawa dahil sa nakatali ako ng mahigpit dito sa upuan na kinalalagyan ko.
"Bakit ba kasi hindi ako sumunod sa sinabi ni Igie? Tanga ba talaga ako? Hays." Tanong ko sa sarili ko.
"Oh gising na pala ang ating sleeping beauty!" Nang aasar na tinig nitong sabi saakin.
Ito yung babaeng tumulong saakin pero ginamit naman akong pang blackmail kay Igie. Tsss.
"Ano naman ngayon kung gising na ako?" Tanong ko dito habang matamang nakatitig sa mata niya.
Nginisian lang niya ako sa sinabi ko kaya nginisian ko din siya. Sinasagad mo talaga ang pasensya ko babaeng octopus!
"I think you need to sleep too." Sabi ko dito at hindi inaalis ang pagkaka titig sakanya.
Tinaasan naman ako nito ng kilay tila nagtatanong kung bakit ko nasabi 'yon sakanya.
"Ang sabi mo saakin kanina ay sleeping beauty diba?" Tanong ko sakanya at diniinan ang salitang sleeping beauty.
"Bingi ka ba? First time mo lang yata makarinig ng magandang salita para sa'yo." Sagot nito saakin habang nakangisi.
Bitch.
"Matulog ka din gaya ko baka magka beauty ka katulad ko." Sabi ko sakanya.
Unti unti namang nawala ang malapad na pagkaka ngisi niya saakin at napalitan ito ng nagagalit na eskpresyon.
"Oh! Wag kang magagalit sa sinabi ko sa'yo. 'Coz you will have your own version when you sleep." Pagpapa gaan ko sa kalooban niya dahil sa sinabi ko.
Baka mamaya tuluyan niya na talaga akong patayin. Tsk!
She will have her own version of sleep, hindi nga lang beauty. kekekekekeke!
BINABASA MO ANG
Breathe (ONGOING)
Action"Never settle for being someone's option when you have the potential to be someone's ONLY." -Unknown Date Started: May 25, 2020 Date Finished: