Chapter 18

12 8 0
                                    

Maureen's POV





*BOOM!*

Isang malakas na pagsabog ang narinig ko sa aking likuran kaya napahinto ang babaeng nagsasalita sa harapan ko.

Narinig kong bumukas ng marahas ang pintuang nasa likod ko at naramdaman ko nalang na may tumakbo sa magkabilaang gilid ko ng mabilis patungo sa babaeng nasa harapan.

"Acera, napasok tayo ng kalaban. Hindi namin alam ni Queen kung paano nila natunton ang lokasyon natin." Sabi ni Jack sa babae na nagngangalang Acera.

Hayop na yan. Mukha na ngang pusit napaka pangit pa ng pangalan. Pwe!

"Paanong hindi malalaman, pinakapkapan niyo ba sa tauhan natin si Mactabilis bago niyo ipabugbog?!" Natatarantang tanong nito kay Jack.

Ganoon ba talaga kadelikado si Igie? Hindi ko na talaga siya kilala ng mabuti.

"Mga stupido't stupida! Seryoso ba si Kuya Spade sa pagpili sainyo?! Ang tatanga ninyo. Mga tonta!" Galit na sigaw nito sa dalawa.

"Hoy babaeng gasera, huwag na huwag mo kaming pagsasalitaan ng ganyan dahil wala ka sana sa kinalalagyan mo kung hindi lamang dahil sa kuya mo!" Pabalik na sigaw sakanya nung nagngangalang Queen.

"Gasera amporkchop! HAHAHAHAHAHAHA!!" Tawa ko na lamang sa isipan ko dahil ayaw kong ako ang mapagbuntungan nila ng galit.

"Tsss. Bilib na bilib ka talaga sa sarili mo 'no? You can't even defeat me in ranking fight, bitch." Sabi ni Acera sakanya.

Nakatanggap naman ito ng malakas na sampal kay Queen kaya napatingin si Acera sa gilid.

Hinawakan ni Acera ang kanyang mukha at ginalaw galaw ang kanyang panga.

Mukhang masakit nga ang pagkakasampal sakanya ni Queen. Awwwww!

Susugod na sana si Acera sakanya kaso nga lang ay pumagitna si Jack sa dalawa at parehas na tinulak ng malakas.

Galit naman na tinignan ng dalawang dalaga si Jack dahil sa kanyang ginawa.

"Ngayon pa ba kayo mag aaway dalawa?! Look. Sinusugod tayo ng kagrupo nitong si Mactabi——" Naputol ang kanyang pagsasalita ng makita niyang wala na si Igie sa kinalalagyan nito.

Kaagad na kumilos naman ang tatlo ang pumunta sa kinalalagyan ko.

Nilibot nilang tatlo ang kanilang paningin sa buong paligid na pinaglalagyan namin.

"Hello Trashy Organization! Who are you looking for?" Nang aasar na tinig ni Igie na nagtatanong malapit sa kinalalagyan ko.

Nakita ko naman na pinagpawisan ng malamig ang tatlo habang inililibot ang kanilang tingin sa buong paligid.

Natataranta ang tatlong pumalibot  saakin at tinutukan ako ng baril ni Queen at Acera sa ulo ko.

May nakatutok namang matulis na kutsilyo sa aking leeg galing kay Jack.

Anak ng pating! Seryoso ba sila sa ginagawa nila saakin?!

Ayaw ko pang mamatay!

"Isang maling galaw lang Mactabilis, lalaslasin ko yung leeg ng kaibigan mong maputak." Nakakatakot na pagbabanta ang sabi ni Jack habang inililibot ang kanyang paningin.

Breathe (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon